Success Stories

Sama-sama, Tulung tulong! Ang Kaisahan ng RIC Comunal Chapter
Larawan ng Rural Improvement Club- Comunal Chapter matapos ang kanilang buwanang pagpupulong.

Sama-sama, Tulung tulong! Ang Kaisahan ng RIC Comunal Chapter

Ang isang komunidad ay maihahalintulad natin sa isang walis na nagkakaisa kaya naman nagagawa ang tungkulin nito na maglinis ng mga dumi at kalat sa paligid nito. Parang sa tao, walang perpekto kaya talagang kinakailangan natin ang bawat isa para matugunan ang ating mga pangangailangan.

ANG SAMAHAN

Ang Rural Improvement Club (RIC) Comunal Chapter ay isang organisayon na kinabibilangan ng mga kababaihan ng Brgy. Comunal, Calapan City, Oritental Mindoro na kung saan ay tumutulong sa mga miyembro nito na pawang kinabibilangan ng kababaihan na mapaganda ang kanilang buhay sa kabila ng hirap na kanilang dinaranas.

Naitatag ang samahan noong Sept. 23, 2008 sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Maria Teresa D. Laygo na nagsimula lamang sa 18 miyembro na may ambag na 20 piso kung saan ay napamunuan niya ng maayos dahil sa mga proyektong ginawa niya noong taon na iyon.

Taong 2009 ay binigyan sila ng pagkilala ng kanilang barangay dahil sa kanilang dedikasyon s kanilang gawain na mapaunlad ang kanilang grupo. Nabiyayaan sila ng proyektong swine dispersal. Dito ay binigyan sila ng Barangay ng pitong (7) baboy na kanila namang ipina-raraffle sa mga miyembro at naging simula ng kanilang proyekto na swine dispersal kasapi ng RIC.

Dahil hindi natatapos sa swine dispersal ang mga proyekto ng kanilang samahan, minabuti rin ng RIC na magkaroon ang kanilang ibang kasapi ng mga livelihood trainings tulad ng paggawa ng dishwashing Liquid, fabric conditioner, sabon at Clorox making.

Sa mga nasabing proyekto, ang paggawa ng Fabric Conditioner at Dishwashing Liquid ang tinangkilik ng mga tao. Ang mga nasabing produkto ay umaabot na sa mga lalawigan ng Bulacan at Laguna at mas hinahanap na din ngayon dahil sa pagiging epektibo nito at mas mura kumpara sa mga mabibili sa mga pamilihan.

Ang samahan ay may proyekto ring catering services ay mayroon na ding catering services at chairs and tables rental.

PAGPAPANATILI NG KAISAHAN SA SAMAHAN

Ang isang organisayon ay hindi madalas nagtatagal dahil sa mga problemang kinakaharap nito. Kinakailangan ang palagiang komunikasyon sa mga kasapi nito upang masiguro na buo ang kanilang samahan.

Sa RIC Comunal Chapter, nagdadaos sila ng buwanang pagpupulong na kung saan ay pumupunta ng mga miymebro upang malaman ang mga kaganapan sa samahan. Kung may oras na hindi sila makapunta ay nagagawan naman ng paraan ng buong samahan na maiparating sa di nakadalong miyembro ang nakapakasudnuan sa pagpupulong.

Isa pa sa kanilang pamamaraan upang mapanatili ang kaisahan ng mga kasapi ay sa tuwing nagdadaos sila ng pagpupulong ay siguradong na may laging maiuuwi ang mga kasapi nila. Nagsasagawa sila ng raffle draw na kung saan ay di mawawala ang atensyon ng mga miymebro sa pulong. Sa mga di naman makakadalo, may kaukulang bawas sa kanilang matatanggap na benepisyo pagkatapos ng taon.

PAGTULONG SA KOMUNIDAD

Bilang isang grupo, ang RIC Comunal Chapter ay tumutulong din sa komunidad sa pamamgitan ng mga Tree planting Projects, Brigada eskwela at mga iba pang proyekto na maaari silang maktulong sa komunidad. “Kami sa RIC, basta maimbitahan kami ay agad namin itong tinutugunan sa abot ng aming makakaya upang maibigay naman sa tao ang aming serbisyo at malamn din nila na aktibo ang aming samahan upang magkaron pa ng mga bagong kasapi” wika ni Gng. Laygo.

Sa Kabuuan, ang mga sa samahang tulad ng RIC Communal ay napakahalaga sa pag-unlad ng isang komunidad dahil sa pagtutulung- tulong mga kasapi ay kayang magapi anumang suliraning kakaharapin. Bukod rito, hindi rin naman magiging produktibo ang isang samahan kung wala ang magaling na pinuno.

Samakatuwid, ang isang samahan na walang magaling na pinuno ay hindi magkakaroon ng direksyon.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.