Kasalukuyang iniimplementa ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) – MIMAROPA ang modernong agrikultura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagsasanay at pagkakaloob ng mga makabagong makinarya at ibang kagamitan upang maitaguyod ang kabuhayan ng iba’t ibang organisasyon at magsasaka sa Occidental Mindoro. Bilang katambal sa proyektong kabuhayang hangad ng Kagawaran ng Pagsasaka – MIMAROPA, ang mga lokal na awtoridad at opisyales kabilang ang Punong Barangay, Municipal Agriculturist, Tagapangulo at kinatawan ng kanilang mga organisasyon ng mga tagapagsulong ng programang SAAD – Santa Cruz, Abra De Ilog, Paluan at Magsaysay ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa pagkakalap at pamamahagi sa mga munisipalidad ng mga pangangailangang agrikultural ng mga magsasaka. Ang pagsisikap na ito sa apat na munisipalidad ay patuloy na sinusuri ng kagawarang siyang magiging batayan ng pag-unlad ng programa at pagpapalago nito sa iba pang bayan.
Sa gawing ito, pinangunahan ni SAAD Planning Officer Josephine De Sales ang isang dokumentasyon ng bunga ng programa nitong mga huling buwan ng 2019 kung saan sinuri ang kondisyon ng mga kagamitan at tanim na palay na ipinagkaloob noong Hulyo 2019.
“Nakatanggap po kami ng water pump na ginagamit po ng mga katutubo kasi madalas silang nabibitin sa patubig,” aniya Santa Cruz Municipal Agriculturist Josefina Villa, “Malaking bagay din po ang pagsasanay na binigay ninyo sa amin dahil karamihan po sa amin ay kulang pa sa kaalaman,” dagdag ni Punong Barangay Joseph Molleno.
Mga ibinahaging binhing pananim sa mga katutubo sa Santa Cruz. (Kuhang larawan ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program)
Tumanggap ang Santa Cruz ng dalawang (2) units ng hand tractors, sampung (10) units na water pump, sampung (10) ulo ng kalabaw na may kalakip na suyod at araro at mga binhing pananim (cassava, palay) na siyang itinanim na ng mga katutubo sa pag-asang sa kanilang kikitain ay mababayaran ang kanilang pagkakautang at magkakaroon ng isang permanenteng mapapagkunan ng araw-araw na pangangailangan.
Nagpahayag si Abra De Ilog Municipal Agriculturist Julius Judelito Amodia ng taos-pusong pasasalamat sa pagbibigay-pansin sa pangangailangan ng mga Indigenous People (IP) sapagkat sila ay nabigyan ng mas mabuting kalidad ng pamumuhay sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa produksyon at pagpapataba ng mga alagang baboy kung saan nakatanggap sila ng limampu (50) inahing baboy at limang (5) barako at kasalakuyanang ilan ay buntis na. Ang mga miyembro ng Rural Improvement Club lalo na ang mga magulang ay nagpapasalamat din sa natanggap na meat grinders, vacuum sealers, at kiluhan na nakatutulong sa kanilang hanap-buhay at pagsustento sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
“Mayroon na po kaming mapapagkakitaan,” wika ng Tangapangulo ng Paluan Harrison Fisherfolks. Bukod sa vermicomposting, nabigyan ang munisipalidad ng Paluan ng sampung (10) kalabaw, araro, suyod at iba pang kagamitang pangsaka (pala, asarol, kalaykay, pandilig, at wheel barrow). Sumailalim din ang mga miyembro ng iba’t ibang organisasyon sa isang pagsasanay ng cultural management ng cassava dahil sa ito ang pangunahing produkto ng barangay, “Tinuruan po ang mga katutubo ng wastong pamamaraan ng pagtatanim at pagpoproseso ng balinghoy at kung paano at saan nila ibinebenta ang balinghoy,” paliwanag ni Punong Barangay Menardo Coriana.
“Napakalaking tulong po na ibinigay ng SAAD sa aming pamayanan lalo na po sa mga kahilingan po natin na ang iba po ay natanggap na at marami pa po ang darating pa na proyekto,” pasasalamat ni Punong Barangay John Acierto ng Brgy. Laste sa dalawang (2) units ng hand tractor, rice transplanter, thresher, at reaper. Kasalukuyan nagpapanimulang hakbang ang mga mamamayan sa pamamahala ng organikong produksyon ng palay.
“Allowed kaming magbigay ng lahat ng interventions para suportahan lahat ng kanilang pangangailangan,” ika ni SAAD Head Planning Officer Josephine De Sales sa 2021-2025 Occidental Mindoro Agricultural Development Plan Integration Planning Workshop noong Nobyembre 29, “Kailangan lamang silang sanayin in terms of sustainability.