Success Stories

Majeline F. Arenillo: Empowered Woman!
Si Gng. Majeline Arenillo kasama ang kanyang alagang kalabaw.

Majeline F. Arenillo: Empowered Woman!

Ang pagtulong sa kapwa ay isa sa dahilan kung bakit marami sa atin ang nagkakaroon ng magandang buhay, sabi nga sa kasulatan ay kung ano ang ibinigay mo ay babalik sa iyo ng siksik, liglig at umaapaw.

Sa kabilang banda, ang buhay ng tao ay hindi lamang puro sa pagtulong sa kapwa kundi ay pagpapaulad din sa kanyang sarili upang mas lalo pang makatulong sa mga nangangailangan. Ating itatampok si Gng. Majeline F. Arenillo bilang isang natatanging kababaihan na binigyang pagkilala sa gawad parangal sa katangi-tanging kababaihan sa pagsasaka at pangingisda sa kanayuan.

Nakatira siya sa Brgy. Orconuma, Bongabong, Oriental Mindoro. Pagsasaka ang kanilang kabuhayan tulad ng marami sa kanilang lugar, ang kaibahan lang sa kaniya ay sa “natural na pamamaraan” ang Sistema ng pag-aalaga ng pananim na halaman.

Sa kanilang lugar, kilala siya bilang isang aktibong mamamayan na kung saan ay madami siyang mga kiabibilangang mga organisayon ng mga kababaihan. Ilan sa mga ito ang Rural Improvement Club (RIC) of Orconuma, RIC Federation of Bongabong, Local Council for Women noong 2016 at Alliance of Farmers Association of Orconuma (AFAO) kung saan siya ang pangulo ng mga nabanggit na organisasyon.

Dahil sa pagiging aktibo sa serbisyo at sa komunidad, nahalal din diyang bilang vice- Chair ng mga sumusunod na organisayon: Mindoro Farmers’ Cooperative (MinFaCo), Municipal Agri-Fishery Council (MAFC) at United Bongabong Livestock Raisers Association (UBLRA).

Siya ay nahalal din na board of trustees’ ng Anilao- Orconuma Irrigators Association (ANILORCU IA), auditor ng Oriental Mindoro Sustainable for Integrated Agriculture Development (ORMISAD) at nagsisilbi rin na Business Manager ng Organic Vegetable Producers Association of Bongabong.

Karamihan sa mga grupong ito ay kinabibilangam ito ng mga kababaihan ngunit sa kanyang pamumuno sa RIC ng Bongabong, isinali din niya ang mga kalalakihan. “wala akong pinipiling kasali sa RIC mapalalaki man o babae, ang importante sa aking yung interes mong sumali sa samahan”. Wika ni Majeline.

Ilan pa sa mga organisasyong kinabibilangan niya ay ang Municipal Development Council (MDC), Local Zoning Board (LZB), Monitoring and Evaluation Team (LGU), Oriental Mindoro Seed Producers Cooperative (OMSPCO) at Bongabong Coconut Farmers’ Cooperative (BOCOFAMCO)

Sa kabila ng mga gawain at tungkulin ni Majeline sa mga kinabibilangan niyang organisasayon, hindi pa rin niya nakakalimutang ang pagtulong sa kapwa at pangangalaga sa kanyang pamilya.

Bilang isa ng chairperson ng isang organisayon, tungkulin nito na mapanatiling maayos ang isang organisayon, kaya naman siya ay nilalapitan din ng kanyang mga miyembro ukol sa personal nilang mga problema at nagsisilbi siyang tagapayo sa mga ito. “Kung tututulong ka sa kapwa mo, ay tulungan mo na talaga.” binigyang diin ni Majeline ang responsibilidad niya bilang isang babaeng pinuno ng isang organisayson.

Kapag walang mga pagpupulong sa kanilang mag organisasayon, si Majeline ay nakatuon sa pagpapaganda ng kanilang organic farm, dito ay may tanim siya na mga iba’t ibang gulay gaya ng sitaw, sili, calamansi, kamatis at iba pang mga gulay na maaaring itanim, mayroon din syang blue ternate, strawberry at papaya.

Bukod sa gulayan at prutasan ay mayroon din siyang mga alagang kambing na pararamihin niya upang pagkuhanan ng gatas nito na dagdag na malaking kita kapag naibenta na. Sa kanyang farm, katulong niya ang kanyang panganay na anak na si Jovince na kasaukuyang miyembro din ng 4H- Club sa Bongabong.

Katulong din niya ang iba niyang mga anak na sina Alpha Grace na kasalukuyang nag-aaral ng Veterinary Medicine at si Linese Marie na kasalukuyang nag-aaral din sa kursong Evironmental Science sa pagaasikaso ng kanilang farm. Mayroon din siyang katulong na katutubo sap ag-aalaga ng kanyang farm. “Ang mga anak ko ay may kanya kanya nang mga gawain sa aming farm, ginagabayan ko na lang sila kung papaano pa mas mapapaganda ang farm naming katulong ang mga technician ng Agriculture office at mga ayuda ng Department of Agriculture.”

Sa pagsusulong ng Organikong Agrilkultura sa kanlang lugar, nais ipaalam ni Majeline ang importansiya ng pagkain ng pinalaki sa natural ng paraan na walang ginagamit na mga pestisidyo at mga kemikal na maaaring makasama sa kalusugan ng tao. “Sa aming pamilya, mas pinili naming kumain ng mga organikong pagkain dahil mas maigi ito sa katawan kumpara sa mga nabibili sa labas na may mga kemikal kaya magandang tignan ang mga gulay nila”. Wika ni Majeline.

Sa kasalukuyan, mas lalong pinagbubuti ni Majeline at ng kanyang pamilya ang pag-aalaga at pagpapaganda sa kanilang farm at kanya ring sinisigurado na mas marami pa siyang matutulungang mga tao sa anumang paraan na kaya niya.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.