Success Stories

Asosasyon ng mga kababaihan sa OcciMin nakapagsimula na ng Poultry Business mula sa proyekto ng SAAD
Ilan sa mga kasapi ng Samahan ng Madiskarteng Pangkababaihan Farmers Association (SaMaPaFa) sa Occidental Mindoro na aktibong nangangalaga sa mga manok na pinagkaloob sa kanila ng SAAD Program.

Asosasyon ng mga kababaihan sa OcciMin nakapagsimula na ng Poultry Business mula sa proyekto ng SAAD

Naging agripreneur na ang dalawampu’t  limang miyembro ng Samahan ng Madiskarteng Pangkababaihan Farmers Association (SaMaPaFa) sa Occidental Mindoro ng sila ay kumita ng PhP 316,178 mula sa poultry project na ibinigay ng Department if Agriculture - Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program noong 2021.

Nakatanggap ang asosasyon ng 410 na manok, 200 sako ng feeds, 10 kulungan ng manok, 30 bote ng gamot at bitamina at mga pagsasanay na nagkakahalaga ng PhP 1,002,034 noong Agosto 2022 mula sa SAAD.

Nagpatayo naman ng communal poultry farm sa Brgy. Cabacao, Abra de Ilog mula kay Ms. Teresita A. Bagunas bilang counterpart ng asosasyon. Nagkaroon rin sila ng palitan sa pagbabantay ng communal farm upang masiguro ang kalagayan ng mga manok. Ilan sa kanilang mga ginagawa ay pagpapakain ng manok, paglilinis ng lugar at kulungan at pagmomonitor ng kanilang mga stocks.

Noong Disyembre 2022 ay kumita nga ang asosayon ng Php 185,674 matapos nilang magbenta sa Cabacao, kanilang binenta ang 33,610 na itlog ng 6-12 piso kada piraso o Php 180 hanggang Php 230 kada tray depende sa sukat nito.  Noong nakaraang Enero hanggang Abril 2023 ay kumita naman sila ng Php 255,160 mula sa pagbebenta ng kanilang naproduce na itlog.

Ang halaga naman ng kanilang nagastos para sa operational cost kmgay ng gasolina, kagamitan, bitamina at labor ay umabot sa Php 124,656.

Table 1. SaMaPaFA egg production data (August 2022 to April 2023)

Month/Year Total eggs sold Gross Income (Php) Expenses (Php) Net Income (Php)
August to December, 2022 33,610 185,674.00 51,846.00 132,828.00
January to April 2023 39,288 255,160.00 72,810.00 182,350.00
Total 72,898 440,834.00 124,656.00 316,178.00

 

Nagpapasalamat ang mga miyembro ng asosasyon sa laki ng naitulong ng proyektong ito para sa kanilang pangangailan.

“Nagpapasalamat po kami sa ibinigay ninyo sa aming pangkabuhayan. Maraming-maraming salamat po at nagkaroon kami ng mga bagong ideya, nagkaroon ng negosyo,” ani ni Amalia M. Bagunas, Presidente ng Samahan ng Madiskarteng Pangkababaihan FA.

Nagtabi naman ang asosayon ng Php 75,009 ng kanilang kita upang makabili pa ng 200 na RTL chickens na nagkakahalaga ng Php 370 ang isa. Plano rin ng asosasyon na pataasin ang kanilang kita sa pamamagitan ng pagbebenta ng leche flan at cake habang patuloy silang nagbebenta ng itlog sa kanilang barangay.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.