Isa ang pagbababuyan sa negosyong talaga namang ninanais natin dahil sa laki ng maaring maging kita dito bagama’ t may kaakibat itong problema – Ang masangsang nitong amoy. Ito ang dahilan kaya ang ibang mga nag aalaga ng baboy ay hindi na itinutuloy ang kanilang nais na negosyo katabi ng kanilang bahay dahil sa mabaho nitong amoy.
Sa makabagong panahon kung saan marami ang mga nagagawa nang posible ang mga dating imposible, may isang kabataang sumali sa isang programa ang Department of Agriculture- MIMAROPA Region kasama ang Agribusiness and Marketing Division ay Young Farmers Challenge awardee 2023 walang iba kung hindi si Engr. Vincent Dangan mula sa Brgy. Ramon Magsaysay, Aborlan, Palawan.
Bilang isang Kabataang Agripreneur, ninanais niya na magkaroon ng pagkakakitaan mula sa sektor ng pagsasaka. Kaya naman ang kanyang naisip ay pagbababuyan dahil ito ang kknayang matagal nang pangarap mula no’ng siya ay bata pa lamang. Aniya, “ito po talagang pag-aalaga ng baboy ang gusto kong maging negosyo dahil matagal ko nang pangarap ito pero ang aking problema lang kung papaano ko sya mailalapit sa aming bahay dahil sa kanyang amoy na hindi kaaya-aya sa mga tao kaya nanan nainspire ako na magsaliksik ng teknolohiyang magpapawalang amoy sa kulungan ng baboy.”
Dahil sa ideyang naisip na ito ni Vincent, nagsaliksik siya kung paano ba makamit ang babuyang walang amoy. Sa kanyang Pag-aaral, nakatuklas si Vincent ng mga pamamaraan upang mawala ang amoy sa kanyang babuyan. Habang nagbabrowse sya social media, nakita ni Vincent ang isang patalastas mula sa social media page ng Young Farmers Challenge Program na kung saan maari niyang maisali ang kanyang kaalaman sa pagbababuyan at ang kanyang teknolohiyang magdudulot ng walang amoy sa mga ito upang manalo ng premyo na magagamit sa pagpapalago ng kanyang negosyo.
Di nagtagal ay nakasali na sya sa patimpalak ng YFC Program at isa sa mga nagwagi sa Provincial Awarding ng P80,000 grant upang magamit sa kanyang nasimulang negosyo. “ Malaking tulong po talaga ng YFC Program sa aking nasimulang negosyo dahil po dito at sa teknolohiyang nagawa ko sa aking babuyan ay maaari na akong makapagparami pa ng baboy at maimprove ang aking mga facilities nang sa gayon mas maging maganda pa ang takbo ng aking negosyo.”
Malaki ang naitulong nito kay Vincent ng kanyang pagwawagi sa Provincial Awarding ng YFC dahil mas makilala ang kanyang negosyo. Matapos niyang matanggap ang kanyang premyo sa nasabing patimpalak, ginamit niya ito upang maipagawa ng kulungan ng kanyang mga baboy upang mas marami na siyang mailagak na baboy sa kanyang lugar. Kasunod na nito ang pagbili din ni Vincent ng dagdag na 10 baboy upang ipagpatuloy ang nasimulan niyang babuyan.
Dahil sa mga nakamit ni Vincent sa YFC Program, lalong dumami ang kanyang plano sa kanyang lugar. Isa narito ang kanyang balak na gawing intensive at organic farming ang kanyang lugar dahil sa kasalukyan ay nagtatanim na din ng mga gulay si Vincent gaya ng talong, okra, calamansi. “ …pangarap ko din po talaga na magkaroon ng Intesive Farming sa aking lugar upang magamit po ang lahat ng resources ko dito sa aking farm especially po sa mga waste po ng baboy para maging fertilizer.” Dagdag pa niya.
Plano din ni Vincent sa hinaharap ng makapagtayo ng isang meatshop business upang makapagbenta ng mga sariwang karne ng baboy sa kanilang barangay. Nais din niyang magkaroon ng sarili niyang biogas congester na kung saan ay ang mga duming naipon mula sa dumi ng hayop ay magagamit na panluto ng mga pagkain nila at pagdating ng bapanahon ay magamit din sa kanyang pagnenegosyo.
Bukod sa kanyang mga nagawa sa kanyang sariling babuyan, Malaki din ang naitulong ng YFC program kay Vincent. Dahil sa pagkilala na nagawa sa kanya na programa, siya ay kinikilala na din sa kanilang barangay at nakakahikayat din siya ng mga kabataan na pasukin din ang larangan ng Agribusiness. Aniya, “…naging daan din ito na ma-inspire ang mga kabataan dito sa aming barangay. naging daan ito para mainspire din sila na lumahok sa susunod na taon ng YFC program.”
Kaya naman sa dami ng magagandang bagay na nangyari sa kanya mula noong sumali si Engr. Vincent sa Young Farmers Challenge program ng DA-MIMAROPA, nais niyang hikayatin ag ibang mga kabataan na may pangarap sa pagnenegosyo ukol sa agrikultura ay sumali sa sususnod na Young Farmers Challenge 2024 upang mabigyang katuparan ang kanilng mga pangarap.