News and Events

Vhon David Corpuz, wagi sa 2023 WFD MIMAROPA Region Poster Making Contest
Si Vhon David Corpuz (gitna) habang hawak ang kanyang sertipikasyon ng pagkapanalo, cash prize, at ang kanyang obra. (kaliwa-kanan) Bernadeth Z. Respicio ng RAFIS, MAO Rommel Calingasan ng San Jose, Coach Alexander P. Dela Cruz, Mrs. Maricat T. Combalicer ng HVCDP ng DA-MIMAROPA, Ms. Leslie Aroc ng OPAG at Mrs. Angela Rei Tabuada ng RAFIS

Vhon David Corpuz, wagi sa 2023 WFD MIMAROPA Region Poster Making Contest

Nanalo bilang 1st place si Vhon David Corpuz ng Caminawit Elementary School  sa kagaganap lamang na World Food Day Regional Poster Making Contest sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro noong ika-27 ng Setyembre.

Nanalo rin bilang 2nd and 3rd place sina Deniel N. Oca at Eurence Faith R. Maquinto mula pa rin sa parehong paaralan sa patnubay ni Coach Alexander P. Dela Cruz.

Kabilang sa mga sumuri sa mga natatanging gawa ng mga mag-aaral sina: Municipal Aagriculturist (MA) Rommel B. Calingasan ng San Jose, Maricar T. Combalicer ng High Value Crops Development Program, at si Leslie D. Aroc ng Office of the Provincial Agriculturist. Ang resulta ay base sa apat na aspeto: originality (30%), creativity (30%), visual impact (20%), at relevance to the theme (20%).

Ang makulay na aktibidad ay nilahukan rin ng mga mag-aaral na sina: Juan Saimous S. Masangkay, Jacob Christoffe T. Jose, at Krislorence F. Gimano kasama si Coach Edhen P. Martin mula sa San Jose Pilot ES; Ram Aedan G. Sadsad, at Ela Marie H. Altayo kasama si Coach Digna Q. Salinas mula sa Divine Word Colleges of San Jose; at sina Precious Cortez, at Aereon Khyra B. Pineda kasama naman si Coach Mona Liza S. Balleza mula sa Pag-asa ES.

Nag-uwi ng Php 3,000 ang 1st place, Php 2,000 para sa 2nd place at 1,500 naman para sa 3rd place at Php 500 naman para sa pitong (7) consolation prize na papremyo para sa kanilang kahusayan at pagmamahal sa sining.

Samantala, nabigyan rin ang lahat ng mag-aaral, tagasanay at hurado ng iba't ibang collateral katulad ng tshirt, tote bag, mug at certificate.

Si Corpuz  na pinarangalang kampeon ang magiging kinatawan ng rehiyon sa national level.

Ang poster making ay isa lamang sa mga aktibidad ng World Food Day na may temang "Water is life, water is food. Leave no one behind" na pinasinayaan ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS).  Dito naipamalas ang kahusayan ng mga grade V at IV na mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralaan na accredited ng DepEd.

Dumalo din sa nasabing kaganapan si San Jose Mayor Atty. Rey C. Ladaga bilang pagsuporta sa gawain ng mga kabataan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.