News and Events

Unang MIMAROPA Vegetable Derby, hitik sa mga dekalidad na gulay, mga  magsasakang dumalo ginawaran ng ilang interbensiyon
Ceremonial harvesting na pinangunahan nina Carlo Umali, Acting Mayor Romeo Edward Alvarez, RED Maria Christine Inting, Renie Madriaga, Christopeher Cruz, EA Miko Mark Francis Atienza, APCO Artemio Casareno at mga representative ng seed companies.

Unang MIMAROPA Vegetable Derby, hitik sa mga dekalidad na gulay, mga magsasakang dumalo ginawaran ng ilang interbensiyon

Hitik sa magagandang gulay ang nasaksihan ng mga magsasaka sa ginanap na 1st MIMAROPA Vegetable Derby sa Brgy. Narra, Gloria, Oriental Mindoro noong Hunyo 14, 2023. Iitinampok dito ang mga tanim na gulay mula sa mga binhi galing sa mga partner seed companies na East West Seed Company, Allied Botanical Corporation at Ramgo International Corporation.

Layunin ng aktibidad na ito na makilala ng mga magsasaka ang mga bagong barayiti mula sa mga partner seed agencies at mapakita rin kung anong teknolohiya at pamamaraan ang kanilang ginamit upang palaguin ang mga ito. Isa pang layunin ng aktibidad na ito ay mapatunayan na sa tamang pag-aalaga ay maganda ang quality ng mga binhing galing sa DA.

Sa unang bahagi ng programa ay ginanap ang ribbon cutting ceremony na pinangunahan nina DA-MIMAROPA Regional Executive Director Engr. Maria Christine Inting, Regional HVCDP Focal Person Renie Madriaga, Gloria Acting Mayor Romeo Edward Alvarez, EA of the Office of the Vice Governor Miko Mark Francis Atienza, anak ni Cong. Alfonso Umali, Carlo Umali, kinatawan ni Dir. Gerald Glenn Panganiban, Christopher Cruz at mga kinatawan mula sa mga seed companies.

Pagkatapos nito ay nagkaroon din ng pagkakataon ang mga tagapanguna at mga dumalo na bisitahin at pumitas ng mga tanim bilang hudyat sa pagsisimula ng harvest festival.

Nagkaroon rin ng field tour ang mga magsasaka mula sa bayan ng Gloria, Pinamalayan, Roxas, Bulalacao, Mansalay, Victoria, Naujan, Bongabong, Baco, Bansud at Calapan City. Itinampok sa aktibidad na ito ang mga tanim na kalabasa, kamatis, sitaw, sili, ampalaya, pipino, patola, pakwan at melon.

Hinakayat rin ni RED Engr. Maria Christine Inting ang mga magsasaka na mag-upgrade at mangarap para sa kanilang sarili at sa kanilang asosasyon.

“Kailangan po natin mag-upgrade dahil gusto po natin na kayo po ay magtatanim at kumita. Ang layunin po ng Department of Agriculture in partnership with the province, regional and central office together with the private companies ay mabigay ang dapat na matutunan para maging agripreneur po kayo,” ani ni RED Inting.

Namigay rin ng Farmers Choice Award para sa iba’t-ibang barayiti ng gulay ang DA para bigyang parangal ang mag private seed companies. Ito ay mula sa boto ng mga magsasaka habang ginaganap ang kanilang field tour. Tinanggap ng East West Seed Company Inc. ang Farmers Choice Award para sa kalabasa at ampalaya. Allied Botanical Corporation naman ang nagwagi para sa pole sitao at Ramgo International Corporation naman para sa siling panigang.

Pamimigay ng plastic crates, 4WD tractor at PISOS sa mga asosasyon sa Oriental Mindoro

Paggawad ng interbensiyon

Pagkatapos ng programa ay ginanap rin ang paggawad ng mga interbensiyon. Tinanggap ng Gloria Sustainable Agriculture Association (GloSAA), Makapili Vegetable Farmers Association, Narra Vegetable Growers Association at Mabuhay Farmers Association ang Establishment of Packing House na nagkakahalaga ng Php 1.7M bawat isa. Isang 4WD Tractor naman na nagkakahalaga ng 1.4M ang tinanggap ng Cambayang Farmers Association. Isang Pump Irrigation System for Open Source (PISOS) naman ang tinanggap ng Malamig Vegetable Growers Association na nagkakahalaga ng 90,000.00. Tinanggap naman ng Barangay LGU ng San Antonio sa Calapan City ang 35 rolls ng bed-type planting box para sa Urban Agriculture Garden Project na nagkakahalaga ng 174,930,00. Nakatanggap din ng 229 na Plastic Crates na nagkakahalagang 228,725 na pinaghati-hatian ng Malayong Vegetable Growers Association, Marayos Upland Farmers Association, Hagupit Farmers Association at Sta. Cruz Farmers Association.

Samantala, lubos ang pasasalamat ng GloSAA sa patuloy na tulong na ibinibigay ng DA katuwang ang LGU at iba’t ibang ahensya.

“Kami po ay lubos na nagbibigay pugay sa mga partner naming ahensya at kapartner naming mga magsasaka kung saan kami natuto. Dati po kami ay nananaginip lang, kami din po ay nangarap at ngayon po ang pangarap na iyon ay nandito na at amin pong tinatamasa. Iyon po ay dahil sa pakikipagtulungan ng DA-MIMAROPA, Provincial Office, Barangay Office, Municipal Office at iba pang mga ahensya. Tayo po ay ‘wag matakot na makipagtuwangan dahil hindi po nila tayo pababayaan,” pahayag ni Cleofe Atienza, president ng GloSAA.

Naging matagumpay ang kauna-unahang vegetable derby dahil sa pagtutulungan ng Department of Agriculture-MIMAROPA High Value Crops Development Program, Provincial Government of Oriental Mindoro, LGU-Gloria, GLOSAA at ng mga pribadong seed companies.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.