News and Events

Unang hakbang para sa pagbangon sa ASF ng Marinduque, pinag-usapan
Sama-samang pinakita ng mga dumalo sa pulong ang suporta para sa Sentinel Protocol Program, ang unang hakbang para sa pagbangon ng probinsiya sa African Swine Fever. Kasama dito ang kinatawan mula Department of Agriculture sa pangunguna ni Regional Technical Director Engr. Elmer Ferry (kinatawan ni OIC, Regional Executive Director Engr. Ma. Christine Inting); Livestock Focal Person Dr. Maria Teresa Altayo; Regulatory Division Head Michael Iledan; ASF Regional Focal Person Dr. Vida Francisco; Dr. Ermyn Ermitano, ASF Focal Person para sa Rehiyon ng MIMAROPA ng Bureau of Animal Industry (BAI); Chairman ng komite sa agrikultura ng Sangguniang Panlalawigan na si Hon. Mhel Encabo; ilang miyembro ng Sangguninang Bayan na sina Hon. Willie Paredes ng Mogpog; Hon. Armando Palma ng Sta. Cruz; Hon. Fortunato Pereyra ng Torrijos; Hon. Harold Lim ng Gasan; Provincial Veterinarian Dr. Joseu Victoria; mga Municipal Agriculture Officer at ilang agriculture technician.

Unang hakbang para sa pagbangon sa ASF ng Marinduque, pinag-usapan

Pinag-usapan na ang unang hakbang sa pagbangon sa African Swine Fever (ASF) ng Marindque nitong ika-5 ng Oktubre sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall ng nasabing probinsiya. Ito ay pagpupulong ukol sa Implementation of Sentinel Protocol, inisyal na hakbang upang malaman kung ligtas na sa ASF ang isang probinsiya.  

Pinangunahan ito nina OIC, Regional Executive Director Engr. Ma. Christine Inting, Regional Technical Director for Operations Engr. Elmer Ferry, Focal Person ng Livestock Program Dr. Maria Teresa Altayo; Regulatory Division Chief Michael Graciano Iledan; Regional ASF Coordinator Dr. Vida Francisco ng Department of Agriculture-MIMAROPA. Kasama din dito si Dr. Ermyn Ermitano ASF Focal Person para sa Rehiyon ng MIMAROPA ng Bureau of Animal Industry (BAI).

Dinaluhan naman ito ni Provincial Councilor Mhel Encabo, Provincial Veterinarian Josue Victoria, ilang miyembro ng Sangguninang Bayan na sina Hon. Willie Paredes ng Mogpog, Hon. Armando Palma ng Sta. Cruz, Hon. Fortunato Pereyra ng Torrijos, Hon. Harold Lim ng Gasan, mga Municipal Agriculture Officers, at mga agriculture technician.

Sinimulan ang pagpupulong sa mga mensahe ng paghihikayat ng pagtutulungan ng bawat bayan at barangay upang mabuhay muli ang industriya ng pagbababuyan sa Marinduque mula kina OIC, RED Inting, RTD Ferry, at ni Dr. Victoria. Nilatag rin nila ang mga suporta na maaaring ibigay ng bawat ahensiya para sa sektor ng pagbababuyan.

Sa pagliwanag ni Dr. Altayo, ang nasabing programa ay isang siyentipikong hakbang kung saan mamahagi ng ilang baboy ang ahensiya sa mga apektadong barangay at oobserbahan ito ng 40 araw. Makalipas ang mahigit isang buwan, ang mga baboy  ay dadaan sa blood testing upang makita kung ang mga ito ay ligtas na sa virus. Kapag ang mga baboy ay naging ligtas sa virus, sisimulan na ang repopulation program bilang muling pagpaparami ng baboy sa lugar.

Dagdag pa niya, kailangan palakasin ang ordinansa ng Bantay ASF sa Baranggay (BABay ASF) sa lalawigan at hikayatin ang mga mag-aalaga ng baboy na magrehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture upang mas marami ang maging kwalipikado sa programang ito. Ang BABay ASF ay isa ring programa ng Kagawaran alinsunod sa Admin Order No. 07 Series of 2021 na tumataguyod sa mas epektibong ASF monitoring, surveillance, reporting system, at pagpapalakas ng pagsasagawa ng mga bisosecurity measure sa bawat barangay.

“Sa kasalukuyan may tatlong (3) bayan na ay mayroong odinansa at ito ang Buenavista, Torrijos, at Mogpog. Sana po yung tatlong (3) munisipyong naiiwan ay magkaroon na ng BABay ASF ordinance,” kanyang paghihikayat.

Samantala, pinaliwanag ni Dr. Ermitano, ang ASF Focal Person sa Rehiyon ng  MIMAROPA ng BAI ang Procedures for Zone Progression and Declaration ASF Free Status at ang  mga kakailanganing gawin bago, habang, matapos ang sentinel protocol program. Kasama na rin ang dokumentong kakailanganin para makasama sa programang ito. Ayon sa kanya, kinakailangan na maabot ng probinsiya mula sa “red zone” papuntang “pink zone” o ang pagkawala ng outbreak sa loob ng mahigit 40 araw at magsumite ng mga kinakailangang dokumento at katibayan upang makasama sa programa.

Binahagi naman ni Dr. Francisco ang Regional ASF Coordinator mula sa Regulatory Division ang estado ng ASF sa bansa at ang mga interbensiyon ng kanilang tanggapan. Ayon sa kanyang ulat meron ng 250 na mga bayan at syudad ang nasa “pink zone” at 33 bayan at syudad naman ang nasa “yellow zone” o mga lugar na ligtas na sa virus ngunit minomonitor pa rin.

Pinangako naman ng mga mga halal na opisyal na pahihigpitin nila ang pagpapatupad ng BABay ASF upang sila ay makausad na sa pagsubok na dala ng ASF.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.