Binisita ni Senator Imee Marcos ang mga bayan ng San Jose at Magsaysay, Occidental Mindoro upang saksihan at pangunahan ang mga programa ng Department of Agriculture- MiMaRoPa (DA-MiMaRoPa) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mabisita ang mga cold storage na itatayo sa probinsya noong Pebrero 9, 2023.
Kasabay nito ang pagkakaloob ng mga cheke mula sa Enhanced KADIWA- Sagip sibuyas Project na inimplement ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng DA-MiMaRoPa at tig-tatatlong libong cash assistance sa isanlibong magsasaka ng sibuyas mula sa DSWD sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga magsasaka.
Sa pamamahala din ng AMAD/ F2C2 Program ay nagkaroon ng dayalogo ang Senadora sa mga kooperatiba ng magsisibuyas upang personal na dinggin at tugunan ang kanilang mga hinaing.
Tinalakay dito ang iba't ibang mga suliranin ng mga magsasaka at mga kooperatiba upang malaman ng mambababatas ang mga maaaring gawin upang masolusyunan ang kanilang mga suliranin. Kasabay ding kinausap ng Senadora ang mga Kabataang magsasaka na nanalo sa regional at national level competition ng Young Farmers Challenge upang malaman din ang kanilang mga pangangailangan.
Binisita din ng Sen. Marcos ang Genaro Agrarian Reform Beneficiary Multi- Purpose Cooperative sa Magsaysay,Occidental Mindoro na isa sa mga Red Onion Cluster ng F2C2 Program at proponent group ng Onion Cold Storage Facility na isinasakatuparan ng I-REAP Component ng Philippine Rural Development Project (PRDP) na nagkakahalaga ng Php 123 M.
Kasama niyang bumisita ang mga kinatawan ng DA sa pangunguna nina Assistant Secretary Kristine Evangelista, DA- MiMaRoPa OIC- RED Engr. Ma. Christine C. Inting at ni OIC- RTD for Operations Dr. Celso C. Olido.
Nangako naman ng suporta si Sen. Marcos sa mga magsasaka sa pamamagita ng mga programang agrikultura na ipinagkakaloob sa probinsya. "Buo ang suporta ko sa agrikultura kaya ako nandito ngayon para marinig ang inyong mga hinaing at nangangako ako na gagawan natin ng solusyon ang mga problema natin sa agrikultura", Aniya.
Kabilang din sa mga dumalo sa pagtitipon sina Provincial Agriculturist Engr. Alrizza Zubiri, at San Jose Vice Mayor Santiago Javier, San Jose Municipal Agriculturist Rommel B. Calingasan, Magsaysay Municipal Agriculturist Richard Ochavez, APCO Eddie Buen, Regional Agriculture and Fishery Council Chair Alfonso Esguerra at ilang mga kawani ng DA at LGUs.