Kabilang sa pagbisita ni Sen. Imee Marcos sa Palawan ang pakikipagdayalogo niya sa mga recipient ng Young Farmers Challenge (YFC) at Kadiwa Program. Ito ay ginanap sa Western Command (WESCOM), Puerto Princesa City. Kasama din nya sa aktibidad si DA Asst. Secretary Kristine Y. Evangelista at sina Governor Victorino Dennis M. Socrates at 3rd District Palawan Representative Edward S. Hagedorn.
Katuwang naman ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa pag-oorganisa ng event na ito ang DA-Palawan Research and Experiment Station (PRES) sa pangunguna nina Center Chief, Librada L. Fuertes at OIC, Agricultural Program Coordinating Officer (APCO), Engr. Victor A. Binasahan at AMAD Palawan Staff Linaflor Belen.
Sa kanyang pakikipagdayalogo ay isa-isang kinausap ni Senator Imee Marcos ang walong (8) YFC recipients at apat (4) na grupo ng KADIWA mula sa Project Zaccheus Marketing Cooperative, Puerto Princesa City Government, Palawan Arc Cooperative Federation (PARCOFED) at El Vita Multi-Purpose Cooperative (ELFAMCO) upang malaman ang kasalukuyang kalagayan o status ng kani-kanilang mga proyekto at kung paano pa makakatulong ang programa para sa lalong pagapapaunlad o pagpapataas ng antas ng kanilang produkto at serbisyong pang-agrikultura at pangisdaan.
Binilinan din nya ang Department of Agriculture sa Palawan na patuloy sa pagsubaybay at pagtulong sa mga recipients para mas mapalago ang kanilang proyekto. Sa huli ay pinasalamatan at malugod niyang binati ang mga kabataan at mga grupo ng KADIWA lalo na ang Puerto Princesa City Government, ang Project Zaccheus at ang mga YFC National Awardees sa mahusay na implememtasyon ng kanilang mga proyekto. Sinabi ni Sen. Imee Marcos na “magaling ang magsasaka at mangingisda sa Palawan, Champion ang Province!”