News and Events

Samahang Katutubo, Nakatanggap ng Post-Harvest Equipment mula sa SAAD

Samahang Katutubo, Nakatanggap ng Post-Harvest Equipment mula sa SAAD

MAGSAYSAY, OCCIDENTAL MINDORO, Agosto 03, 2021 - Apat (4) na asosasyon ng mga katutubong Ratagnon-Mangyan ng Magysaysay ang nakatanggap ng post-harvest equipment mula sa Department of Agriculture - Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program katuwang ang Municipal Agriculture Office staff. Ginanap ang aktibidad sa Municipal Grounds ng Magsaysay.

Ang Calachuchi Alibog Corn Farmers Association (CACFA) na may 43 miyembro at Samahang Ratagnon ng Sitio Bamban (SRSB) na may 60 miyembro ay parehas na nakatanggap ng isang (1) unit ng collapsible dryer at isang (1) unit ng hermetic storage cocoon na may kapasidad na 1.0 metric ton (mt). Ang dalawang asosasyon na ito ay nakatuon sa pagtatanim ng mais.

Ang Calachuchi Indigenous Farmers Association (CIFA) na may kasaping 22 magsasakang nagbabalinghoy ay nakatanggap ng dalawang (2) unit ng hermetic storage cocoon na may kapasidad na 5 mt at dalawang (2) hermetic storage cocoon na may kapasidad na 1.0mt.

49 magsasaka ng Talayob Mangyan Farmers Association (TaMa FA) naman ang makikinabang sa limang (5) unit ng collapsible dryer at limang (5) unit ng hermetic storage cocoon na may kapasidad na 1.0 mt. Ang TaMa FA ay nakatuon sa pagtatanim ng palay. (upland rice).

Ang mga kagamitan na nagkakahalaga ng Php 872,516.00 ay naglalayong matulungan ang mga katutubong magsasaka sa pagbibilad ng kanilang mga inaning mais, balingoy at palay, at upang mabigyan sila ng ligtas na imbakan ng kanilang mga produkto. Ang tamang pagpapatuyo at pag-iimbak ng kanilang produkto ay makakatulong upang mapanatili ang kalidad ng kanilang ani.

Inihayag ni Louie Lingas, chairperson ng TaMa FA, ang kanyang pasasalamat mula sa kanilang tribo. "Maraming salamat po sa ibinigay ng SAAD sa amin. Malaking bagay ito para [hindi masira at] makaimbak kami ng aming mga produkto."

Ang Lokal na Pamahalaan ng Magsaysay sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office ang maghahatid ng mga post-harvest equipment sa lugar ng mga benepisyaryo.

Ang CACFA at SRSB ay nakatanggap ng corn production set (OPV white corn seeds, corn planter, and asian hyrbid), habang ang TaMaFA ay nakatanggap ng farm implements at traditional rice seeds mula sa SAAD noong 2020, samantalang ang CIFA naman ay nakatanggap ng farm implements at mga kagamitan sa pagbabalinghoy mula sa SAAD noong 2020.

Dumalo si Ranny Limos, MENRO Officer bilang kinatawan ni Magsaysay Mayor Cesar M. Tria Jr. sa nasabing gawain.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.