News and Events

Samahan ng mga Mindoreño, katuwang sa ASF-free hog supply ng DA Kadiwa Express to Outlet sa Maynila

Samahan ng mga Mindoreño, katuwang sa ASF-free hog supply ng DA Kadiwa Express to Outlet sa Maynila

Bunsod ng kakulangan sa suplay at biglang pagtaas ng presyo ng baboy sa merkado, ang Kagawaran ng Pagsasaka ay nakipag-ugnayan sa Samahan ng Magmamais sa Kalakhang Mindoro (SAMAKAMI) upang makapaghatid ng 240 ulo ng ASF – free na baboy mula Gloria, Oriental Mindoro patungong Metro Manila kamakailan.

Sa pamamagitan ng DA – Kadiwa Express at Outlet sa pamamahala nina Agribusiness Marketing Assistance Division (AMAD) Chief Celso Olido, Ph.D. at Market Development Section Head Ramon Policarpio, mas madaling mailalapit ang mga tindang baboy sa mga mamimili sa abot – kayang halaga na kung saan magkakaroon din ng kita ang mga magsasakang kaanib ng komersyo, walang trader mark-up at may kabawasan pa sa gastusing transportasyon. 

Magmula noong huling Disyembre hanggang Pebrero, nakapaghatid na ang SAMAKAMI ng 4,200 baboy na may kabuuang timbang na higit kumulang 36 tonelada patungong Metro Manila at iba pang kalapit na bayan sa pamamagitan ng pre-delivery na nagkakahalagang 2 milyon kada trak na kayang magdala hanggang 120 baboy papuntang slaughterhouse at delivery points.

Sa pamamahala ni SAMAKAMI Pangulo Sammy Villacorta, ang organisasyon na may 769 household members kung saan higit kalahati ay binubuo ng Indigenous Persons (IPs) ay nagsimula noong 2015 sa produksyon ng mais na lumawak sa pagpapalay, paggigiling, at pagbababuyan na may higit tatlong daang (300+) alagang baboy sa SAMAKAMI area at 170 na baboy sa mga kwalipikadong kasapi ng organisasyon sa ilalim ng ‘Paiwi System’, 5 baboy kada household na may tatlong (3) inahin at may sariling kulungan.

Ayon kay SAMAKAMI Pangulo Sammy Villacorta, “Dahil sa tingin ko talaga ay magtatagal itong krisis sa baboy na ASF kasabay nitong pandemya, humahanap ako ng long term na solusyon at napakinggan ko itong repopulation program ng DA… Since ang MIMAROPA ay ASF – free, sa tingin ko, qualified kami sa program, nakahanda na rin ang aming requirements. Kung normal na ang sitwasyon, ito (MIMAROPA) naman ang panggagalingan ng biik.”

Binigyang linaw din ni Pangulo Villacorta kung bakit karamihan sa bilang ng kanilang kasapi ay mga IPs, “Sila yung kailangan talaga nating iangat ang buhay dahil sila yung nasa laylayan ng lipunan. Bago sumabak ay armado ang kanilang isipan sa pagtatanim, pag-aalaga, at iba pang basics sa tulong ng trainings/seminars on corn production at livelihood programs mula sa Agricultural Training Institute (DA – ATI). ”

Kasama ang kaniyang maybahay na si Rosario Villacorta at ang kanilang 3 anak, naniniwala si SAMAKAMI Pangulo Sammy Villacorta na isang tubong Bulacan sa isang legasiyang may inisyatibong makapaglingkod at mamuno nang walang pagdadalawang-isip patungo sa ikauunlad ng kaniyang mamamayan, Mindoreño o iba pa man.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.