Nagwagi bilang 1st runner up ang Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay Multipurpose Cooperative (SAGUTT MPC) mula sa Sablayan, Occidental Mindoro sa 2023 Corn Cluster Management Excellence Awards (CoCMEA). Ginanap ito noong ika-17 ng Nobyembre, 2023 sa Salvador H. Escudero Hall, National Meat Inspection Service, Visayas Avenue, Quezon City.
Nakatanggap ang SAGUTT MPC ng plaque at Php 1.2M na gagamitin sa kanilang napiling proyekto para sa kanilang pagmamaisan. Pinangunahan ni Manager Malou N. Maycong at Chairman Livelyn F. Castillo ang grupo kasama ng iba pang mga Board of Directors na sina Precyla I. Estrada, Wilma P. Imana, Donato B. Maycong, Jerryco C. Mamaril, Rowena T. Ventura at Secretary Rogel M. Derilo.
Matagumpay na naisagawa ang Corn and Cassava Cluster Management Excellence Awards sa pamamagitan ng Department of Agriculture National Corn Program at Agricultural Training Institute. Kinilala at binigyang parangal ang tagumpay at dedikasyon ng mga cluster organizations na patuloy ang suporta sa pagsasaka upang mapaunlad pa ang industriya ng mais at balinghoy sa bansa.
Nagbigay suporta rin sa SAGUTT MPC sina OIC Provincial Agriculturist Alrizza Zubiri, Sanguniang Bayan Member Alfredo Ventura,Jr. (kinatawan ni Municipal Mayor Walter Marquez), Municipal Agriculturist Evelia Licos, at Municipal Corn Coordinator Wilma Sagun.
Pinarangalan rin sa nasabing aktibidad ang Regional Technical Working Group (RTWG) sa pangunguna ni DA MIMAROPA Regional Executive Director Engr. Maria Christine C. Inting, Regional Technical Director for Operations Dr. Celso Olido, Agricultural Training Institute-MIMAROPA Center Director patchie Andrew Barrientos, DA MIMAROPA Assistant Corn and Cassava Focal Person Engr. Franz Gerwen Cardano, Report Officer Aiza Ruth E. Espeja at Regional Information Officer Baby Clariza M. San Felipe kasama ang iba pang RTWG members.
Kinilala rin sa parehong kategorya ang Maningalao-Lingayao Agriculture Cooperative mula sa Las Nieves, Agusan del Norte (2nd runner up) at Mantibungao Agrarian Reform Beneficiaries Farmers’ Cooperative (Champion) ng Bukidnon. Nakatanggap sila ng premyong Php 650,000.00 at Php 2M ayon sa pagkakasunod.
Samantala, nagwagi at binigyang parangal naman sa Cassava CMEA ang: Villa Luna MPC mula sa Cauayan City, Isabela (2nd runner up); Zamboanga del Norte Cassava Growers and Processors, Inc.(1st runner up); at Bliss Lingion MPC mula sa Manolo Fortich, Bukidnon (Champion). Nakatanggap rin sila ng parehong halaga ng papremyo.