News and Events

SAAD PRDC, nagsagawa ng balidasyon sa mga maunlad ng CBEs sa Occidental Mindoro
Isa si Gng. Nelia Alcantara, Pangulo ng Mabunga Vegetable Vendors Association, sa mga magsasakang natulungan ng SAAD Program sa Occidental Mindoro na labis na nagpapasalamat dahil sa pagtaas ng kanilang produksyon at kita sa gulay matapos makatanggap ng proyektong pangkabuhayan mula sa programa.

SAAD PRDC, nagsagawa ng balidasyon sa mga maunlad ng CBEs sa Occidental Mindoro

OCCIDENTAL MINDORO, August 30, 2023 – Binisita ng Special Area for Agricultural Development – Public Relations and Development Communication (SAAD-PRDC) mula sa National Program Management Office (NPMO) ang pitong (7) fully-established community-based enterprises (CBEs) sa Occidental Mindoro, ika-26 hanggang ika-29 ng Hunyo.

Layunin ng nasabing aktibidad na ipakita ang mga mahahalagang ambag ng mga lokal na magsasaka sa pagsusulong ng kaunlaran ng agrikultura sa mga komunidad, sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang mga nasimulang kabuhayang pang-agrikultura na ilalathala sa isang coffee table book

Kabilang sa mga binisitang samahan ang Blessed Coreans Swine Raisers Association (44 miyembro), Rural Improvement Club Lutic (35 miyembro), The Chickzone Farmers Association (25 kabataang miyembro), Samahan ng Madiskarteng Pangkababaihan Farmers Association (25 miyembro), Mabunga Vegetable Vendors Association (25 miyembro), Palueños Chicken Laying Farmers Association (29 miyembro), at Sitio Hinugasan Cassava Planters Association (58 miyembro). 

Binigyang diin ni SAAD NPMO Technical and External Communications Officer, Ms. Jemiema Arro na ang pangunahing layunin ng kanilang pagbisita ay upang bigyan ang mga magsasaka ng oportunidad na ibahagi ang kanilang mga kwento ng tagumpay, karanasan, at naging bahagi nila sa pagbabago ng sektor ng agrikultura sa kanilang pamayanan. Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng pagbuo ng isang libro na magtatampok sa mga nasabing asosasyon, layunin rin ng programa na iangat ang kamalayan at makahikayat ng mga potensyal na suporta mula iba’t ibang samahan at pribadong sektor. 

Dahil sa hindi matatawarang determinasyon at suporta mula sa inisyatibo ng programa, ang mga kasapi ng Rural Improvement Club (RIC) Lutic ay umunlad habang lumalago rin bilang asosasyon ang Blessed Coreans Swine Raisers Association sa ilalim ng Swine Production Project. Ang Chickzone Farmers Association, Samahan ng Madiskarteng Pangkababaihan FA, at Palueños Chicken Laying FA naman ay pinalakas sa pamamagitan ng Ready-to-Lay (RTL) Chicken Production Project, na nagresulta sa mas mataas na produksyon at madaling pagbebenta ng itlog sa mga pamilihan. 

Lumawak naman ang taniman at dumami ang mga napagbebentahan ng  gulay ng mga kasapi ng Mabunga Vegetable Vendors Association, na pinagkalooban ng Vegetable Production Project.  Natutulungan nito ang mga magsasaka at mga mamamayan sa kanilang komunidad sa pagkakaroon ng suplay ng sariwang gulay.  Samantala, umunlad rin sa ilalim ng Cassava Production Project ang Sitio Hinugasan Cassava Planters Association na nagbebenta ng pinatuyong tadtad na balinghoy. 

Table 1. Implementasyon ng mga proyektong pangkabuhayan at mga naitatag na community-based enterprise

Pangalan ng samahan

Bilang ng mga kasapi

Pinagkaloob na kabuhayan

Naitatag na CBE

Blessed Coreans Swine Raisers Association

44

Swine Production Project

Piglet Production

Rural Improvement Club (RIC)

35

Swine Production Project

Piglet Production

The Chickzone Farmers Association

25

 Ready-to-Lay (RTL) Chicken Production Project

Fresh egg Production

Samahan ng Madiskarteng Pangkababaihan FA

25

 Ready-to-Lay (RTL) Chicken Production Project

Fresh Egg Production

Palueños Chicken Laying FA

29

  Ready-to-Lay (RTL) Chicken Production Project

Fresh egg Production

Mabunga Vegetable Vendors Association

25

Vegetable Production Project

Vegetable Production

Sitio Hinugasan Cassava Planters Association

58

 Cassava Production Project

 

Dried/chipped cassava Production

 

Umaabot sa 241 ang mga magsasakang nabenepisyuhan ng programa mula sa mga nabanggit na asosasyon.  Pagbabahagi nila, natulungan sila ng programa hindi lamang sa pagkakaroon ng pagkain sa kanilang mga hapag-kainan kungdi sa pagpapaunlad rin ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagpapababa sa gastos sa produksyon dahil sa mga interbensyon, na nagbunga naman sa unti-unting pagtaas ng kanilang kita.

Ayon kay Orly Reyes, Pangulo ng Sitio Hinugasan Cassava Planters Association, dahil sa suporta ng SAAD hindi lamang sa produksyon kundi maging sa pagbebenta ng kanilang produkto ay unti-unting tumaas ang kanilang kita.  Noong 2020, kumita sila ng Php9,800 mula sa pagbebenta ng 1,235 kilos ng cassava.  Tumaas ang kanilang ani sa 17,009 kilos noong April 2023 kung saan kumita naman sila ng Php136,081. Dahil dito, nagkaroon sila ng inspirasyon upang lalo pang magsumikap sa pagtatanim ng balinghoy.

“Napakaganda po ng SAAD. Ngayon ay tumataas na po ang kita namin, kaya po ngayon lalo na sumigasig ang aming samahan sa pagtatanim ng cassava. Ang SAAD at ang DA po ay tunay na tumutulong sa amin,” ani Reyes.

Inilunsad ang programa noong 2019 sa Occidental Mindoro na nagbigay ng tulong sa 151 mga samahan at 4,533 na mga magsasaka kung saan 2,904 ay mga katutubo.

Nakatakda namang ilathala ang Unlad Lokal coffee table book ngayong taon na magtatampok ng mayamang koleksyon ng mga imahe at paglalarawan ng mga pinagmulan, tagumpay, mahahalagang karanasan, at katangi-tanging kontribusyon ng mga grupo at kanilang naitatag na CBE sa tuloy-tuloy na kaunlaran.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.