News and Events

Romblon, nagdaos ng 125th DA Anniversary
Tree planting activity ng mga kawani ng DA MIMAROPA sa probinsya kasama ang ilang miyembro mula KADBAYAN MPC, at mga kawani mula sa OPAG, LGU Odiongan, PNP, at TESDA.

Romblon, nagdaos ng 125th DA Anniversary

Sa pagkilala at pagpupugay sa kahalagahan ng mga dedikadong manggagawa ng Department of Agriculture, isang espesyal na araw ang inilaan para sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng kagawaran na ginanap sa probinsya ng Romblon nitong ika-19 Hunyo, taong kasalukuyan.

Ang pagdiriwang ay sinimulan sa isang opening ceremony na ginanap sa Organic Farmers Producer and Processors Association of Odiongan (ORFPPASO) Farm sa Barangay Anahao, Odiongan, Romblon.

Bilang bahagi ng programa nagkaroon ng turn over ceremony ng agricultural interventions tulad ng four-wheel drive tractor na ipinagkaloob sa ORFPPASO at mango planting materials (carabao variety) mula High Value Crops Development Program na ipinamigay sa Romblon Mango Producers Association (ROMAPA) at Mapula Farmers Association.

Samantala, ipinagkaloob din ng Organic Agriculture Program ang mga garden tools tulad ng plastic drums, plastic crates at sprinkler para sa iba't ibang associations na kinabibilangan ng: Lobton Vegetable Growers Association (VGA), Poblacion VGA, Jun Carlo VGA, Guinhayaan Organic Farmers Association (FA), Maghali Auto Saving Group, Rizal FA, Lanuton FA, Guinbirayan Organic FA, Barangay Local Government Unit ng Batiano, Samahan ng mga Magsasaka ng Danao Norte, (SAMADAN), at ROMAPA.

Nagkaroon din ng tree planting activity na nilahukan ng iba’t ibang Government Agencies at Non-Government Organizations (NGO) tulad ng:  Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) sa pangunguna ni Engr. Al F. Fetalver; PNP Drug Enforcement Group sa pangunguna ni Police Captain Larry Rey; LGU Odiongan Municipal Agriculturist Office sa pangunguna ni Mr. Rexford F. Famisaran; Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); at Kabalikat para sa Diyos at Bayan  Multi-Purpose Cooperative (KADBAYAN MPC).

Itinampok din ang iba't ibang mga programa ng kagawaran na nagpapakita ng mga pangunahing tagumpay, proyekto, at kontribusyon. Sa pagdiriwang ay nagkaroon ng mga palarong tulad ng basag palayok, trip to jerusalem, egg catching at flour relay. Ang mga empleyado at magsasaka ay nabigyan ng pagkakataon na magsaya at makihalubilo sa bawat isa.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.