News and Events

Rolling Tiangge: Kadiwa Version Ng Puerto Galera
Ang Rolling tiange kasama ang ilan sa mga produktong naibenta sa mga mamamayan ng Puerto Galera. Kuha ng Municipal Agriculture Office ng Puerto Galera

Rolling Tiangge: Kadiwa Version Ng Puerto Galera

Simula nang kumalat ng COVID 19 sa bansa, naging mahirap ang pagpunta sa mga pamilihan dahil sa ipinatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ. Dahil sa pangyayaring ito, naging tugon ng pamahalaan ng Puerto Galera sa Lalawigan ng Oriental Mindoro ang Kadiwa o mas kilala bilang “Rolling Tiangge” sa kanilang Lugar.  

Ang nasabing programa ay pinagunahan Ni Puerto Galera Rocky Ilagan kasama ang Municipal Agriculture Office na pinagunahan ni Municipal Agriculturist (MA) Hector A. Ylagan.

“Ginawa itong programa upang suportahan ang mga magsasaka at matulungang mailapit ang mga bilihing pagkain sa maga kababayan nating hindi makalabas ng bahay sa kabila ng panahon ng ECQ.” Ayon kay Ylagan.

Ang Rolling Tiangge ay kinapapalooban ng pitong (7) multi cab na pagmamay ari ng transport operators association ng Puerto Galera nag nag-ooperate noon sa bayan noong hindi pa nagkakaroon ng pandemic.

Nagsilbing lalagyan ng mga agri-products mula sa ibang bayan na binili ng LGU ng Puerto ang mga muticab upang makatulong na din sa mga magsasaka sa ibang bayan dahil sa limitado lamang ang lupang sakahan sa Puerto upang maisagawa ng maayos ang mobile Tiangge. Bukod pa rito, nakatulong na din sa mga driver ng mga nabanggit na multicab ang proyekto upang magkaroon sila ng trabaho.

“Ang mag agri products ay masisiguradong sariwa at mura dahil direktang nabili ito mula sa mga magsasaka. Paniguradong magaganda rin ang kalidad ng mga agri-products na mabibili sa aming mobile Tiangge.” Wika ni MAO Ylagan.

Nagpapasalamat ang mga mamamayan ng Puerto Galera dahil sa programang ito, hindi na nila kailangang lumayo ng kanilang thanan upang mabili ang mga pagkaing kailanga nila sa araw araw.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.