News and Events

RFO MIMAROPA nakapamahagi na ng mahigit 200 Food Pass
Ang bawat sasakyang naiprehistro para sa Food Pass ay kailangang ikabit sa kanilang sasakyan ang Food Pass Card at ang malaking tarpaulin upang madali itong Makita ng awtoridad sa checkpoint. Kailangan lagi ring dala-dala ang Food Lane Vehicle Pass.

RFO MIMAROPA nakapamahagi na ng mahigit 200 Food Pass

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 06, patuloy pa rin angKagawaran ng Pagsasaka sa pamimigay ng ng Food Pass sa mga suplayer at mga trucker ng pagkain at produktong pang-agrikultura.

Kahapon, Marso 22, nakapamahagi ang Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng 267 Food Pass sa buong rehiyon --- Oriental Mindoro – 72, Occidental Mindoro- 138, Palawan -20, Marinduque -2, kasama na rin ang nabigyan ng Bureau of Plant Industry-Plant Quarantine Service sa Oriental Mindoro na may naitalang 35 na sasakyan.

Ang Food Pass ay binibigay sa mga negosyanteng nagdadala ng suplay ng pagkain, buhay na hayop at mga produktong pang agrikultura kagaya ng mga inputs at sako, at iba pang ginagamit upang makapag-prodyus ng pagkain. Ito ay upang hindi maantala ang kanilang pagbiyahe ng kanilang produkto sa mga bayan.

Ang bawat Food Pass ay may iba’t ibang control number kaya naman ang bawat sasakyan na gagamitin sa pagbibiyahe ng pagkain at produktong pang-agrikultura ay kailangan naiparehistro sa tanggapan ng Kagawaran o kaya naman sa kanya-kanyang Muncipal Agriculture Office o maaari rin sa Provincial Agriculture Office.

Para sa dagdag na impormasyon at iba pang katanungan maaaring makipag-ugnayan sa aming mga tinalagang point person sa bawat probinsiya.  

Occidental Mindoro

  • Joan O. Blones
  • 09501795744/This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it./fb:joan ortega blones

Oriental Mindoro

  • Camille G. Genil
  • 09553158403/This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it./fb:camille garcia genil

Palawan

  • Lina Flor Belen
  • 09284718289/This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it./fb:ningkay solena-belen

Marinduque

  •  Randy Pernia
  • This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Agri-business and Marketing Assistance Division Focal Person

  • Celso C. Olido
  • 09202020101/This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it./fb:ozlek cubilla

Online point person

  • Zelzo M. Dela Cruz
  • 09486381087/This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it./fb: zelzo moreno dela cruz

Mga kinakailangang dokumento para sa Food Pass:

  1. Official Receipt of Registration and Certificate (OR/CR) of the vehicle
  2.  Business Permit
  3. Filled Up Forms such as Foodlane Accreditation Application Form (Form A) and Foodlane Reference Form (Form B and “Statement of Commitment” (Form C).

Maaaring i-dowload ang mga forms mula sa link na ito:  https://bit.ly/3aYJkBQ

Maaari  rin magpasa ng mga dokumento sa:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Para sa mga aplikante online, ang food pass ay maaaring makuha sa mga opisina ng DA o kaya ipapadala sa inyong tahanan gamit ang mga courier sa sariling gastos ng aplikante. Maaari rin i-print ang PDF ng food pass na ipinadala sa kanilang email address.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.