Bilang isa sa hakbang ng pagsasakatuparan ng Province-led Agriculture and Fisheries Extension Systems (PAFES) sa Occidental Mindoro, isinagawa ng Planning, Monitoring and Evaluation Division (PMED) ng Department of Agriculture-MIMAROPA (DA-MIMAROPA) ang Rapid Appraisal on the Technical Capabilities of Agricultural Offices sa nasambit na probinsiya, ika-11 at 13 ng Abril, taong kasalukuyan.
Isinagawa ang nasabing aktibidad sa magkahiwalay na lugar kung saan ang mga kawani ng agricultural offices kasama ang ilang miyembro ng sangguniang bayan ng Mamburao, Abra de Ilog, Sta. Cruz, Sablayan, Paluan, Looc at Lubang ay tinipon sa bayan ng Sablayan. Samantala ang San Jose, Magsaysay, Rizal, at Calintaan naman at sa bayan ng Magsaysay.
Sinimulan ang aktibidad sa pagtalakay ng rationale at layunin ng naturang programa sa pamamagitan ni Winnie Lyn Paguntalan, Project Development Office/PAFES Staff, sinundan naman ito ng pagbabalik ng tanaw ng mga devolved function base sa nasabing batas ni Edelma Laguerta, Planning Officer ng PMED.
Sa pamamagitan ng isinagawang survey sa bawat tanggapan, dito nalaman ang kanilang kasalukuyang kapasidad at mga pangangailangang pagsasanay upang maisagawa ng maayos ang mga programa at interbensiyon para sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa kani-kanilang bayan kapag tuluyan ng naisakatuparan ang desentralisasyon o devolution sa ilalaim ng Mandanas-Garcia Ruling.
Tinalakay naman ito ni PMED Chief Dr. Nex Basi ang mga pagsasanay na kakailanganin ng bawat tanggapan base sa lumabas na resulta ng isinagawang rapid appraisal. Nirekomenda ng PMED ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng sariling Agriculture and Biosystems Engineer sa bawat agriculture office.
- Magkaroon ng operator o technician na mamamahala ng mga makinarya sa mga Local Government Unit at sila ring magbibigay ng pagsasanay sa mga mga magsasaka at mangingisda.
- Magkaroon ng mas maraming empleyado na graduate ng mga kursong nasa larangan ng agri-fishery.
- Ipagpatuloy ang mga pagpapalakas ng kapasidad ng mga kawani sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad nito at maisama sa taunang budget ng LGU.
- Magkaroon ng epektibong pagsasakatuparan ng mga programang magpapalakas sa kapasidad ng mga LGU, pagpapalakas sa kolaborasyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kagaya ng Technical Educational and Skills Development Authority, Agricultural Training Institute, Department of Trade Industry, Department of Science and Technology, Department of Communication and Technology, Department of Agriculture, atbp.
Ayon naman kay Noberto Maur and PAFES Focal Person ng Agricultural Training Insitute, ang mga pagsasanay na ito ay may pondong nakalaan mula sa nasabing ahensiya at kakailanganin lamang nila ang mga panukala ng mga pangunang pagsasanay na kanilang gagawin. Ito rin ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya o stakeholder upang tuloy-tuloy ang pag-papalakas ng kanilang mga kakayahan.
Nakikita man na malaking pagsubok ng mga kawani ng bawat LGU ang mangyayaring devolution, ayon sa kanila ay ibibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya sa pagsilbi sa kanil-kanilang bayan. Inaasahan rin nila ang suporta ng kanilang mga lokal na lider para sa paglaan ng sapat na pondo para sa sektor.