News and Events

Provincial Hybrid Rice Technology Derby Demonstration, ginanap sa Narra, Palawan
Hudyat ng pagapapakitang gawa ukol sa Techno Demo sa paggamit ng hybrid seeds ng mga magsasaka mula sa Narra ang Seremonya ng Ribbon Cutting na pinangunahan ninana pinangunahan nina (mula kaliwa) MA Antonio Gammad, OIC-RED Engr. Ma. Christine C. Inting, Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal, Regional Rice Program Focal Person Ma. Theresa Aguilar at APCO Vicente Binasahan ng Palawan.

Provincial Hybrid Rice Technology Derby Demonstration, ginanap sa Narra, Palawan

NARRA, PALAWAN. Ginanap ang kauna-unahang Provincial Hybrid Rice Technology Demonstration for Wet season 2022 sa Brgy. Malinao, ika-15 ng Setyembre. Nasaksihan dito ng mga magsasakang dumalo ang 38 ektaryang palayan na kinapalolooban ng 19 barayti mula sa mga seed company na lumahok sa derby.

Pinangunahan ito ng Department of Agriculture- MiMaRopa kasama ang pamahalaanag panlalawigan ng Palawan, mga lumahok na hybrid seed companies at lokal na pamahalaan ng Narra.

Layunin ng programang ito na maipakita sa mga magsasaka ang kagandahang dulot ng pagtatanim ng hybrid rice seeds. Tinuturuan din ng mga technician ang mga magsasaka ng tamang pamamaraan ng paglalagay ng mga input sa mga hybrid na tanim upang makuha ang pinakamataas na potensyal ng ani ng hybrid na binhi.

Dinaluhan ang techno demo ng higit kumulang sa 500 katao na mula sa mga bayan sa Timog- Palawan kasama rin ang mga piling kinatawanng mga samahan g magsasaka ng Puerto Princesa City at bayan ng Taytay.

Ayon kay OIC- Regional Executive Director Engr.  Ma. Christine C. Inting, maganda ang nasabing techno demo dahil naipapakita sa ating mga kababayang magsasaka ang ganda ng ani ng hybrid seeds na maaring maging sagot sa “self-sufficiency” ng bansa pagdating sa bigas na pangunahin nating pagkain.

Ayon naman kay Dr. Romeo Cabungcal, Provincial Agriculturist ng Palawan, malaking tulong ang gawaing ito upang mas mapataas ang produksyon ng palay ng probinsya at ang kasiguruhan ng pagkain ng mga Palaweño.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni G. Oliver Osao, pangulo ng Samahang Magsasaka ng Aramaywan mula sa Quezon, Palawan, dahil sa pagbibigay ng pagkakataong sa kanilang grupo na makadalo sa ganitong gawain. Sa paraang ito mas mahihikayat pa nila ang kanilang mga miyembro na magtanim ng hybrid na binhi.

Pasasalamat din ang nais iparating ni G. Romeo Sigua, isang Farmer Cooperator mula sa Brgy. Malinao dahil sa magandang programa na ito ng DA- MiMaRoPa. Aniya, isang magandang programa ito ng DA dahil nakikita mismo ng mga magsasaka ang kagandahan ng ani ng hybrid rice, kung tama ang timing ng paglalagay ng abono at iba pang inputs, panigurado ang taas ng ani na maaring makuha sa hybrid na binhi.

Pinangunahan ang Programang ito nina OIC- Regional Executive Director Ma. Christine C. Inting, Regional Rice Focal Person Ma. Theresa Aguilar, Engr. Bonifacio Madarcos (kinatawan ni Gov. Dennis Socrates), Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal at APCO-Palawan Vicente Binasahan Jr. at MA Antonio Gammad ng Narra. Kasama rin sa nasabing gawain ang mga kinatawan ng Bayer CropScience, Corteva AgriScience, Green and Grow Technologies, SL- Agritech, Longping, SeedWorks, Syngenta at Leads Agri.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.