Matagumpay na inilunsad ang kauna-unahang “KADIWA SA PAROKYA” sa Diocesan Shrine and Parish of St. Joseph, Las Piñas City nitong Oktubre 12. Ang outlet na ito ay may mga panindang gulay, bigas, prutas at ibang uri ng pangunahing pagkain na mula sa miyembrong magsasaka ng Gloria Agriculture Association (GLOSAA) ng Gloria, Oriental Mindoro bilang Farmer-Cooperator Group.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa ilalim ng KADIWA ni ANI at KITA sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Kagawawan ng Pagsasaka-MIMAROPA o DA-MIMAROPA at Agribusiness and Marketing Assistance Services (AMAS) ng central office. Kasama na nakipagtulungan ang City Government of Las Piñas,City Agriculture Office, at nasabing samahan ng magsasaka.
Sinimulan ang pagbubukas ng outlet sa pamamagitan ng pagbendisyon ni Monsignor Roberto Olaguer, Parish Priest ng Parish of St. Joseph. Kasama ng ilang kawani ng DA-MIMAROPA sa pangunguna ni AMAD Chief Celso C. Olido at ng AMAS, sinaksihan ang pagbubukas ng mga lokal na opisyales ng lungsod ng Las Piñas, mga miyembro ng samahang naglilingkod sa simbahan, mga mamimili, Las Pinas City Agriculturist Dr. August Pasangan, at miyembro ng GLOSAA.
Nagpahayag naman ng suporta si Mayor Imelda Aguilar sa pamamagitan ni City Councilor Florante Dela Cruz. “Ang pamahalaang lokal ay laging naka suporta sa proyektong ito, dahil alam natin na marami ang magbebenipisyo, hindi lamang ang ating mga farmers, gayon din po ang ating mga consumers, ang pagkakaroon po ng KADIWA project sa loob ng ating Parokya ay siguradong isang matagumpay na proyekto dahil ang espirito ng pagtutulungan at pagbibigayan ay laging taglay ng mga Laspinero.Hangad po namin na mas mapalawak pa at maabot ang isang magandang adhikain ng proyektong ito ng Kagawaran ng Pagsasaka.”
Pinaliwanag naman ni Dr. Celso Olido, Chief ng AMAD ang tulong ng Kadiwa sa mga magsasaka at mangingisda kasama na rin sa mga konsyumer. Kanyang binanggit na mas mababa ang presyo sa Kadiwa dahil hindi na ito dumadaan sa iba’t ibang traders. “Mas mababa ang presyo ng mga gulay at prutas sa Kadiwa ng 10 to 20 percent kaysa ibang pamilihan dahil hindi na dumadaan sa iba’t ibang channel ang produkto, mula sa farmer ay makararating na ito sa consumers, “ kanyang pagpapaliwanag.
“Ang rehiyon po ng MIMAROPA ay humihiling sa inyo na patuloy nating suportahan ang mga farmers, tangkilikin natin ang kanilang produkto, dahil malaki rin ang naitulong ng mga magsasaka, lalo na sa panahon ng pandemya. Sila po ang pinagkukunan natin ng sariwang gulay at prutas at mga pangunahin nating pagkain, upang maging malakas at malusog ang ating katawan”, dagdag ni Dr. Olido sa kanyang mensahe sa mga mamimili.
Para naman kay Mosignor Olaguer ang paglalagay ng Kadiwa outlet sa kanilang parokya ay pagtugon ng Panginoon sa panalangin ng mga tao na bigyan sila ng pagkain sa araw-araw. Binigyan pagpapahalaga niya rin ang hirap at pawis ng mga masasaka sa pagtatanim ng mga kiankailangang pagkain ng mga tao. Kaya naman nakita laking pasalamat niya na naisakatuparan ang kanilang hiling na makatulong sa mga magsasaka at mangingisda. “Mapalad po ang St. Joseph Parish dito sa Las Pinas sapagkat na napagtuunan kami ng pansin ng Department of Agriculture. Salamat po kay Secretary William Dar na kami ay naging instrumento upang ang mga magsasaka ay matulungan namin sa kanilang pagbebenta ng kanilang produkto at kami naman po ay maging daluyan din upang ito ay mapakinabangan ng ating mamamayan,” kanyang pagpapahiwatig.