News and Events

Php133-M halaga ng mga makinarya at pasilidad pam-postharvest, ipinagkaloob ng DA-Philmech sa mga lalawigan ng Mindoro
larawan ng mga miyembro ng Farmers cooperative at association kasama ang mga interbensyong makinaryang pansaka at pasilidad pampost-harvest sa mga lalawigan ng Oriental Mindoro (itaas) at Occidental Mindoro (ibaba) kasama ang kani-kanilang mga opisyal ng mga lalawigan

Php133-M halaga ng mga makinarya at pasilidad pam-postharvest, ipinagkaloob ng DA-Philmech sa mga lalawigan ng Mindoro

Humigit kumulang sa 133 milyong piso halaga ng 57 iba’t ibang uri ng mga makinarya at postharvest facilities ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture-Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PhilMech) sa mga farmer cooperatives and associations (FCAs) at ilang lokal na pamahalaan sa mga lalawigan ng Mindoro. Ginanap ang nasabing pamamahagi noong ika-28 na Pebrero sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro at ika-2 ng Marso sa San Jose, Occidental Mindoro.

Kabilang sa mga tinanggap ng 18 mga asosasyon at kooperatiba ng mga magsasaka  at dalawang (2) lokal na pamahalaan sa Oriental Mindoro  ang apat (4) na  hand tractors, tatlong (3) floating tillers, pitong (7) units  na walk-behind transplanters, isang (1) rice precision seeder, siyam (9) na rice combine harvesters, dalawang (2) recirculating dryers at isang multi-stage rice mill. Samantala, ang ipinagka loob naman sa 18 farmers cooperatives and associations at dalawang LGUs mula naman sa probinsiya Occidental Mindoro ang limang (5) hand tractors,  pitong units na walk-behind rice transplanter, isang  riding type transplanter, dalawang (2) precision seeders, pitong (7) na rice combine harvesters, isang 2-3 tonner multi-stage ricemill, isang (1) mobile ricemill at dalawang (2) 6-tonner recirculating dryers, at apat (4) 12-tonner dryers.

“Isa pong karangalan at hamon sa aming ahensya, ang Philippine Center for Postharvest and Mechanization o PHilMech, ang trabahong ito na ipinagkatiwala sa amin ng ating pamahalaan. Karangalan dahil naging instrumento po kami upang maihatid sa inyo ang mga makinaryang magiging susi upang mas maging competitive tayo sa ating pagsasaka. At hamon din naman dahil maliban sa lawak ng   programa ay nais namin ang mga pinakabago, pinakamagaganda, at tunay na mapakikinabangan lamang na makinarya ang umabot sa inyong mga samahan,” bahaging ipinaabot na mensahe ni Dir. Dionisio G Alvindia ng nasabing ahensiya sa mga benepisyaryo ng mga makinarya.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano ang pinagmulan ng pondong mga makinaryang kanilang natanggap. Aniya, “Ang pondo pong iyan ay nanggaling po sa RCEF na kung saan ito ay porsiyento ng nakuha mula sa Rice Tarrification Law. Mayroon po tayong nakalaan na pondo na siyang gagamitin ng ahensya sa pagpapalakas ng pagsasaka sa pamamagitan ng farm mechanization.”

Kinilala naman ni Oriental Mindoro Governor Humerlito A. Dolor ang magandang dulot ng Rice Competiveness Enhancement Fund (RCEF) naisa sa mga probisyon ng Rice Tarrification Law (RTL). Ganoon rin ang maayos aniya ng pagtupad ng DA-PhilMech sa tungkulin iniatang sa kanilang tanggapan.

“Napatunayan natin na may magandang dulot ang mga polisiya at batas na ginagawa ng ating bansa. Mayroon tayong agam – agam sa Rice Tarrification Law noong araw at kahit ako ay may agam-agam, ngunit mabuti na may mga interbensiyon na ginagawa ang pamahalan sa atin para mabawi ang negatibong epekto nito at ang isa doon ay ang RCEF. Kung walang RCEF, wala tayo dito ngayon. Ako ay nagpapasalamat sa dating pamunuan (ngPhilMech) at ngayon ay itinuloy ng bagong pamunuan ang kanilang pangako sa akin,” saad niya.

Paalala naman ni PhilMech Cluster Head Engr. Niño Bengosta sa mga nakatanggap ng mga makinaryang pansaka na pakaingatan, alagaan, at higit pang pagyamanin kung anuman ang kanilang natanggap para mapakinabangan ito ng lahat ng miyembro ng asosasyon at makatulong din sa iba pang mga magsasaka.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Senadora Cynthia Villar sa pamamagitan ng isang mensahe para sa patuloy na pamamahagi ng makabagong makinarya  sa mga magsasaka at para sa pagpapaunlad ng kanayunan.

Nag paabot naman ng pasasalamat ang mga magsasaka sa malaki anila ng biyaya na kanilang natanggap mula sa pamahalaan.

“Ako po ay nagpapasalamat sa PhilMech, napakabuti po nila at nabigyan kami ng harvester. Ito po ay pangangalagaan naming nang ayos para sa aming mga members at mga kabarangay,” pahayag ni Edgar Balmes, Pangulo ng Bayanan II Farmers Association sa Calapan City.

Dagdag naman ni G. Donato Maycong, Vice Chairman ng Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay Multi-purpose Cooperative (SAGUTT MPC), malaking tulong ang kanilang natanggap na rice milling machine sapagkat makakasabay na aniya sila sa pagnenegosyo, kaya naman malaki ang kanilang pasalamat at isa sila sa nabigyan ng ayuda ng RCEF.

Pinangunahan ang turnover nina PhilMech Interim Director for Operations Joel V. Dator bilang kinatawan ni Director IV Dionisio G. Alvindia, Luzon Cluster Head Engr. Niño Bengosta, Gov. Humerlito Dolor, Vice-Governor Ejay Falcon, APCO Artemio Casareno, kasama ang ilang punongbayan at bokal ng lalawigan ng Oriental Mindoro. Samanatala sa kanlurang Mindoro, dumalo naman sina Congressman Leody Tarriela, Gov. Eduardo Gadiano, San Jose Mayor Atty. Rey Ladaga, Calintaan Mayor Dante C. Esteban, APCO Eddie Buen, OIC Provincial Agriculturist Alrizza Zubiri, mga Municipal Agriculturist, at iba pang kawani ng lalawigan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.