Pinangunahan ni pangulong Ferdinand “Bongbong” E. Marcos Jr kasama ang Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni kalihim Francisco “Kiko” Tiu-Laurel Jr. at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangungunan naman ni kalihim Rex Gatchalian ang pamamahagi ng cash assistance sa pamamagitan ng Presidential Assistance to the Farmers, Fisherfolks and Families (PAFFF) sa mga magsasasakang naapektuhan ng nakaraang bagyong Kristine sa probisnsya ng Oriental Mindoro na ginanap sa Pinamalayan, Oriental Mindoro noong ika 14 ng Nobyembre.
Ang naturang tulong na ipinaabot sa mga magsasaka ay mula sa PAFFF na nagkakahalaga ng 50 milyong piso na ibinahagi naman sa 5000 naapektuhan ng nakaraang bagyong Kristine na mga magsasaka sa probinsya. Samantala, namahagi naman ang da sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corporation ng indemnity checks na nagkakahalaga ng P683,449.32 sa 48 na mga magsasaka sa probinsya.
“Sa kabila ng hirap at hamon na dulot ng bagyong kristine at leon, muling ipinakita ng ating mga kababayan ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa… ang inyong lakas sa kabila ng ganitong hirap ay nagbibigay sa amin ng determinasyon upang patuloy na kayo’y silbihan nang [buong] puso,” ang sambit ng pangulo sa kanyang talumpati sa mga benepisyaryo ng PAFFF.
Ayon kay Samuel Aytag, isang Hanunuo Mangyan, nasira umano ang kanyang mga tanim na saging, ube at iba pang mga pananim buhat nang manalasa sa kanilang lugar ang bagyong kristine. Aniya, nagpapasalamat siya kay PBBM dahil nabigyan sila ng ayuda upang makapagsimula muli st maahon sa hirap na dinanas nila.
Isa ang Oriental Mindoro sa mga malubang nasalanta buhat ng magkasunod na bagyong kristine at leon na dumating sa bansa nitong nobyembre at nasalanta din ng Bagyong Leon kaya naman malaking bagay talaga ang pagdating ng pangulo kasama ang mga kalihim upang maibsan ang kanilang paghihirap.
Dumalo rin sa nasabing pagbisita ng Pangulo sina DA MIMAROPA Regional Executive Director Atty. Christopher R. Bañas, Regional Technical Director for Operations Vener L. Dilig, at OIC- Regional Technical Director for Research and Regulations Dr. Nanette M. Rosales.