News and Events

Pagtatasa sa mga Programa ng DRRM ng DA, Isinagawa para sa Mas Epektibong Pagtugon sa Sakuna

Pagtatasa sa mga Programa ng DRRM ng DA, Isinagawa para sa Mas Epektibong Pagtugon sa Sakuna

Isinagawa ng Department of Agriculture (DA) ang isang mahalagang aktibidad na layuning suriin ang bisa at epekto ng mga kasalukuyang programa, proyekto, at aktibidad na may kinalaman sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM). Ang aktbidad ay isinagawa sa Coron, Palawan noong ika-pito hanggang ika-11 ng Abril. 

Mainit na tinanggap ng DA Regional Field Office ng MIMAROPA, sa pangunguna ni Regional Executive Director Atty. Christopher Bañas, ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang regional field offices, cenral office, at mga katuwang na ahensya. Sa kanyang pambungad na mensahe, kanyang binanggit na ang ktibidad na ito ay isang oportunidad na pahusayin ang kahandaan at kakayahan ng sektor ng agrikultura sa harap ng mga kalamidad at pagbabago ng klima. 

“We are here to assess the efficiency of DRRM programs, projects, activities, and to sharpen our strategies para maging disaster-ready ang ating agricultural communities. This is not just a workshop but a space for honest reflection, collaborative dialogue, at pagplano na nakabatay sa datos at nangyayari sa komunidad,” aniya. 

Ang pagtitipon ay nagbigay-daan upang: 

  • Iulat ang mga update hinggil sa mga naging resulta at rekomendasyon ng nakaraang DRRM assessment; 
  • Ipresenta ang tala ng mga pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura at ang paggamit ng Quick Response Fund (QRF) para sa Fiscal Year (FY) 2024 at unang quarter ng FY 2025; 
  • Ibahagi ang pinakabagong National QRF Implementing Guidelines at ang Special Provision sa FY 2025 General Appropriations Act (GAA); 
  • Talakayin ang mga isyu at mungkahi ukol sa sistema ng pag-uulat ng pinsala at pagkalugi, paggamit ng DRRM Information System (DRRMIS), at tamang paggamit ng QRF; at 
  • Talakayin ang mga mungkahing rebisyon sa DA QRF Implementing Guidelines at panukalang Special Provision para sa FY 2026 GAA. Gamit ang mga plenaryong talakayan, open forum, at breakout sessions, naging aktibo ang mga kalahok sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman, karanasan, at mungkahi upang mas mapabuti pa ang sistema ng DRRM sa sektor ng agrikultura. 

Mula sa aktibidad ito nakapagsagwa sila ng mga sumusunod: 

  • Action plans para sa mga panukalang update sa DRRMIS; 
  • Mga mungkahing pagbabago sa DA QRF Implementing Guidelines; 
  • Panukalang Special Provision para sa FY 2026 GAA; 
  • Plano ng mga DRRM activities para sa taong 2025; 
  • At isang komprehensibong dokumento na naglalaman ng mga naging talakayan, napagkasunduang aksyon, at mga ahensyang responsable sa mga ito. 

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy ang DA sa pagbibigay-priyoridad sa kaligtasan at katatagan ng mga magsasaka at mangingisda, gayundin sa pagpapatibay ng sektor ng agrikultura laban sa banta ng kalamidad

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.