News and Events

Pagtatapos ng season-long FFS on corn at kauna-unahang Hyrid Corn Derby isinagawa sa Palawan
Ang FFS graduates kasama sina (mula sa kaliwa) AEW Mark Vincer Condez, Municipal Corn Coordinator Jaena Conales, Provincial Corn Coordinator Jerry Sotabinto, Regional Corn and Cassava Report Officer Aiza Ruth Espeja, Regional Corn and Cassava Coordinator Engr. Franz Gerwen Cardano, BM Ariston Arzaga, SB Zaldy Magbanua, Corn staff Van Eric Morillo, Rizal MA Peter Bravante, SB Kim Apotol, at AEW Ali Akbar M. Abdulpatta

Pagtatapos ng season-long FFS on corn at kauna-unahang Hyrid Corn Derby isinagawa sa Palawan

Nagtapos ang 70 magsasaka ng mais mula sa munisipalidad ng Rizal, isa sa mga corn producing area sa Southern Palawan, sa 16 weeks Season-Long Farmers Field School (FFS) on Corn Production Technology noong ika-29 ng Febrero taong kasalukuyan sa Rancho 1, Brgy. Punta Baja. Isinagawa ng Department of Agriculture MIMAROPA Region ang FFS sa ilalim ng Kasaganaan ng Sakahan at Kalikasan (KASAKALIKASAN) at National Integrated Pest Management (IPM) Program.

Sinimulan ang pagsasanay noong Nobyembre 15, 2023 at nagtapos noong Febrero 28, 2024. Katulong sa matagumpay na pagsasagawa ng programa ang National Agriculture and Fishery Council, Provincial Government of Palawan, at Municipal Government of Rizal, Palawan. 

Ipinahayag ni Regional Corn and Cassava Coordinator Engr. Franz Gerwen Cardano, kinatawan ni Regional Executive Director Atty. Christopher R. Bañas, ang pasasalamat sa mga magsasaka na nagpagod, nagbigay oras at buong pusong tinangap ang hamon ng makabagong pagsasaka tungo sa patuloy na pagpapaunlad ng produksyon ng mais sa bansa.

“Ang produksyon ng mais po kasi dito sa Palawan ay nire-revive po namin dahil for the last years ay bumaba ang produksyon ng mais dito at ang naging issue talaga ay marketing kaya tumigil ang mga magsasaka na magtanim ng mais,” pahayag ni Engr. Cardano.

Kasabay ng patuloy na paghihikayat ng kagawaran sa mga magsasaka na huwag tumigil ay patuloy pa ring magtanim ng mais, malugod na ibinalita ni Engr. Cardano na mayroon nang institutional buyer sa probinsya – ang Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC).  Ang SIDC na nagpoproseso ng feeds sa probinsya at nagluluwas rin sa Batangas ay kukunin ang lahat ang aning mais ng mga magsasaka ng probinsya kahit ilang tonelada pa ito.

Samantala, malugod namang ibinahagi ni Municipal Mayor Norman S. Ong na tutumbasan ng munisipyo ang lahat ng interbensyon na ibaba ng kagawaran upang mas maraming magsasaka ang matulungan.

Nagpasalamat naman si G. Romeo Magbanua mula sa Brgy. Rancho sapagkat isa siya sa napiling dumalo sa pagsasanay ukol sa mais.

“Ako po ay nagpapasalamat sa mga kakulitan, pakikiisa ng ating mga kaklase at sa sharing of ideas. Kung ano man ang natutunan natin sa ating 16 weeks na training ay huwag lang po natin sarilinin, ipraktis po natin at ibahagi sa iba,” sabi ni G. Magbanua.

Nangako naman si Gng. Mercy Lachica ng Brgy. Linao na siya ay tutulong upang maibahagi ang kaalaman hindi lamang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa ibang interisadong magtanim ng mais

“Kahit anong layo, laban lang talaga. Kahit pang gasolina lang ang hawak namin, laban lang talaga upang matupad yung pangarap na matutunan ng isang magsasaka ang iba pang pamamaraan sa pagmamaisan.  Lubos po kaming ngpapasalamat sa inyong sakripisyo.  Malaking bagay po ang lahat ng natutunan ko dahil ang alam ko lang dati pagkatanim ng mais, minsanang abono lang pagbalik ko anihan na kami, kaya malaking bagay po talaga na nakapag aral ako,”wika ni Gng. Lachica.

Bawat isa sa kanila ay binigyan ng sertipiko ng pagtatapos, gayun din ang mga teknisyan na nagturo at sumubaybay sa kanila sa loob ng 16 na linggo sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Peter Bravante at G. Jerry Sotabinto mula Provincial Agriculture Office(PagO).

Field tour ng mga FFS graduates sa maisan kung saan nagkaroon ng oryentasyon ang mga private corn seed companies.

Kauna-unahang Hyrid Corn Derby sa Palawan, isinagawa sa Rizal

Kasabay ng pagtatapos sa FFS, isinagawa rin sa munisipalidad ang harvest festival ng kauna-unahang hyrid corn derby demonstration farm sa Palawan.

Itinatag ang derby noong October 2023 na naglalayong ipakilala sa mga magsasaka ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa produksyon ng mais. Ipinakita rin dito ang tulong ng mga biofertilizer sa pagpapaganda ng kalidad ng kanilang mais.

Ang Hybrid Corn Derby Demonstration Farm with FFS on Corn Production Technology ay matagumpay na isinagawa ng DA Regional Corn Program sa pakikipagtulungan pa rin ng PagO, LGU of Rizal sa pamamagitan ng MAO, mga Private Corn Seed Company (Asian Hybrid Seed Tech. Inc, Corteva Agriscience Phils. Inc, Bioseed Research Phils. Inc., Bayer Philippines, Syngenta Phils. Inc. at Cornworld Breeding Sys. Corp.) at mga Biofertilizer companies (Gemini Agri Farm Sol. Corp., Bioprime Agri Industries Inc., Enviro Scope Synergy Inc., JJEA Agriventures at Ada Manufacturing).

Dumalo rin sa aktibidad si Board Member Committee on Agriculture Arizton Arzaga  na kinatawan ni Governor Victorino Dennis Socrates, Sanguniang Bayan Kim Apostol na kinatawan ni 2nd District Congressman Jose Chavez Alvarez, Quezon Municipal Agriculturist Romeo Segay at Bgry. Captain Eugenio H. Buenaflor.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.