News and Events

Pagsasanay sa pangangalaga at tamang pagsasayos ng mga makinaryang pansaka, isinagawa ng PHILMECH
Inilalahad ni APCO Artemio Casareno (L) sa mga pangulo ng mga FAs at cooperatives na nakatanggap ng mga makinarya sa DA-Philmech ang kahalagahan ng pagdalo nila sa nasabing workshop.

Pagsasanay sa pangangalaga at tamang pagsasayos ng mga makinaryang pansaka, isinagawa ng PHILMECH

Nagdaos ng pagsasanay ang Philippine Center for Post Harvest and Mechanization (Philmech) sa Calapan City, Oriental Mindoro noong Marso 15-16, 2022.

Ito ay upang magamit ng maayos at higit na papakinabangan ang mga ayudang pang mekanisasayon na natanggap sa pamahalaan.

Dumalo sa dalawang araw na training workshop ang mga kinatawan at pangulo ng bawat samahan sa buong probinsya na nakatanggap ng mga makinaryang pansaka mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). Dumalo rin sa nasabing workshop si Agricultural program Coodinating officer (APCO) ng probinsya na si Mr. Artemio Casareno.

Aniya, malaking bagay ang pagdalo ng mga pinuno at kinatawan ng mga Farmers Association (FA) dahil mas maipapasa nila sa mga kasapi nila ang tamang kaalaman ukol kahalagahan ng mga natanggap nilang tulong mula sa pamahalaan.

Isa sa mga dumalo si Mr. Nemesio Evangelista, pangulo ng Naujan Federation of Farmers. Ayon sa kanya, malaking tulong itong pagsasanay na ito dahil marami silang natutunan tungkol sa pangangalaga ng kanilang mga natanggap ng makinarya na maibabahagi nila sa kanilang mga miyembro upang mas mapangalagaan at mapagkakitaan ang kanilang gamit sa pamamagitan ng pagpaparenta ng serbisyo nito sa ibang mga miyembro ng kanilang mga samahan.

Nagpapasalamat din sya sa PhilMech at DA-MiMaRoPa sa kaalamang natanggap nila mula sa workshop na ito. Lalong lumalim ang kanilang kaalaman tungkol a paggamit ng mga makinaryang pansaka.

Mula naman kay Gng. Lea Morales, treasurer ng Poblacion 1 FA ng Victoria, Oriental Mindoro na  malaking bagay ang kanilang pagdalo sa seminar na ito dahil marami ang kanilang natutunan tungkol sa pag-aalaga ng mga makinarya at paggamit nito para sa ikauunlad ng kanilang mga organisasyon.

Inaasahan ng Philmech at DA- MiMaRoPa na maipahahahtid ng maayos ng mga dumalong kinatawan at mga pangulo ng bawat samahan sa kanilang mga miymebro ang mga natutunan nila sa nasabing training and workshop.

Ang programang ito ay kasama sa probisyon ng Rice Tarification Law na ang mga buwis na makokolekta mula sa mga imported na bigas at gagamitin upang mapalakas ang agrikultura ng bansa. Isa na rito ang pagmomodernisasyon ng mga gamit sa pansaka gaya ng mga traktora, combined harvester at iba pa na nakapaloob din sa RCEF.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.