News and Events

Pagpupulong ng MAOs at Report Officers naisagawa ng DA-MiMaRoPa Rice Program sa Palawan

Pagpupulong ng MAOs at Report Officers naisagawa ng DA-MiMaRoPa Rice Program sa Palawan

Nagsagawa ng pagpupulong ang Rice Program ng Department of Agriculture –MiMaRoPa Region sa Puerto Princesa City kamakailan. Ito ay pinangunahan ni Ma. Theresa Aguilar, Rice Focal ng rehiyon.  Layunin ng nasabing pagpupulong na mas paigtingin at bigyan ng seguridad ang mga proyekto ng Rice Program na naaayon sa pagdami ng ani ng palay at pagtaas ng kita ng mga magsasaka.

Ayon kay Regional Rice Focal Person Ma. Theresa Aguilar, maganda na may pagtutulungan ang local na pamahalaan at Kagawaran ng Pagsasaka pagdating sa usapin ng seguridad at pagpapatupad ng mga proyekto patungkol sa agrikultura na siyang may malaking kontribusyon sa ekonomiya ng lalawigan ng Palawan.

Kabilang sa mga naging paksa sa nasabing pagpupulong ang pagtalakay ni Rice Program Occidental Mindoro Provincial Coordinator Ronald Degala hinggil sa produksyon ng palay mula 2018 hanggang 2021, mga target para sa taong kasalukuyan, at mga updates hinggil sa mga binhi ng palay.

Ibinahagi naman ni Rice Program Oriental Mindoro Provincial Coordinator Engr. Maria Teresa Carido ang mga detalye sa pamamahagi ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) at fertilizer vouchers.  Paalala ng dalawa na mahalaga ang pagkakaroon ng konkretong datos ng bawat magsasaka at tukuying mabuti ang mga nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA na isang pangunahing kailangan upang makakuha sila ng ayuda mula sa kagawaran.

Naging bahagi rin ng aktibidad ang pagtalakay sa Farm & Fisheries Clustering and Consolidation o F2C2 sa ilalim ng One DA Reform Agenda sa pamamagitan nina Mr. Elmer Del Rosario at Mr. Ruben Pagarigan.

Binigyang diin naman ni Regional Technical Director for Operations Engr. Elmer T. Ferry ang kahalagahan ng higit pang pagpapalakas ng mga samahan ng  mga magsasaka o kooperatiba.

“Kailangang mas palakasin pa natin ang mga asosasyon o kooperatiba na maging organisado sa Palawan upang mas maging malakas ang ugnayan sa pagitan ng mga prodyuser ng sakahan at sa kanilang merkado,” ani  RTD Ferry.

Dumalo rin sa pagpupulong sina Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal, Palawan Agricultural Program Coordinating Officer Vicente Binasahan, Jr., Municipal Agriculturists, Municipal Rice Report Officers mula sa iba-ibang bayan sa Palawan  at mga Regional & Provincial rice staff.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.