News and Events

Pagpapatayo ng Onion Cold Storage sisimulan na sa Mamburao, OcciMin
Larawan ng ground breaking ceremony ng onion cold storage kasama sina (mula sa kanan) APCO Gerardo Laredo, Ms. Gloria Gabito ng Office of the Provincial Government, DA MIMAROPA RED Antonio G. Gerundio, MPMPC BOD Gorgonio Taras, Mayor Angelina Tria at HVCDP Focal Person Corazon Sinnung.

Pagpapatayo ng Onion Cold Storage sisimulan na sa Mamburao, OcciMin

Pinagkaloob ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ang Onion Cold Storage na nagkakahalaga ng Php 20 milyon sa Mindoro Progressive Multi-Purpose Cooperative (MPMPC) sa Brgy. Tangkalan, Mamburao, Occidental Mindoro noong March 30.

Nasaksihan ng mga Board of Directors at ilang mga miyembro ang ground breaking ceremony na pinangunahan ni DA MIMAROPA Regional Executive Director Antonio G. Gerundio, Mayor Angelina “Lyn” Tria, Agribusiness and Marketing and Assistance Division (AMAD) Chief Celso Olido, HVCDP Focal Person Corazon Sinnung at Occidental Mindoro Agriculture Provincial Coordinating Officer Gerardo Laredo.

Ang cold storage ang isa sa mga kahilingan ng mga magsisibuyas sa probinsiya upang mapreserba at maiimbak  ng maayos ang kanilang mga inaning sibuyas at maibenta ito sa tamang halaga. 

“Matagal na po naming pinapangarap itong cold storage dahil dito po sa amin sa Mamburao lalo na dito sa Tangkalan ay maraming taniman ng sibuyas. Naranasan po namin dito na limang (5) piso na lang ang kilo ng sibuyas. Kaya walang sawa po ang aming pasasalamat sa biyayang ibinigay po ninyo sa MPMPC,” tuwang pagbabahagi ni Mayor Tria.

Sinabi naman kay Ginang Sofia Fabillar, General Manager at Founder ng MPMPC, baka sa 10 miyembro pa lamang ay puno na sa dami ng mga nagtatanim ng sibuyas kung kaya hahati-hatiin nila ito upang lahat ay makagamit at tutulungan nilang i-market ang mga sobrang sibuyas.

“Hindi na tayo mababarat, hindi na mabubulok ang ating sibuyas katulad noon, kasi mayroon na tayong cold storage at wing van kaya maraming salamat sa DA sa lahat ng interventions na binibigay nila sa atin,” pasasalamat ni Gng. Fabillar.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.