Matagumpay na naidaos ng Department of Agriculture - MIMAROPA ang seremonya ng pagpapasinaya at pagbabasbas ng bagong Mass Production Facility of Various Biological Control Agents sa DA Integrated Laboratory sa Naujan, Oriental Mindoro noong ika-13 ng Hunyo, 2023.
Layunin ng pasilidad na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa lugar at sa mga kalapit na munisipalidad. Dito isasagawa ang produksyon ng iba't ibang biological control agents (BCA) katulad ng antagonists, entomopathogens, predators, parasitoids, at viruses na makakatulong upang bawasan o pababain ang mga pinsalang dulot ng mga peste at sakit ng mga pananim.
Ang pasilidad ay nasa pangangalaga ng Regional Crop Protection Center ng rehiyon - ang pangunahing armas ng kagawaran sa pagsasagawa ng crop pest management.
Ang 117 sq. meters na pasilidad ay pinondohan ng Bureau of Agricultural Research (BAR) na nagkakahalaga ng P3M. Ang pagtatayo ay sinimulan noong May 23, 2022 at natapos noong October 19, 2022.
"This assistance from BAR should not just encourage us to work better but more so we should live up to the objectives of mass-producing biological agents for our clienteles. I can't just imagine how far we have gone through, from small messy area and now we are here somewhat secured spacious and far better from the place we have been before. Naalala ko noon sinasabi natin na tayo ay nasa barung-barong at kapag bumabagyo pa ay ubos lahat ang ating mother culture," saad ni Dr. Nanette M. Rosales, Chief ng Integrated Laboratory Division.
Ipinabatid naman ni Regional Executive Director Engr. Maria Christine C. Inting ang maigting na pagsuporta sa mga panukala at proyekto para sa pasilidad sa kabila ng kakulangan sa equipment dahil sa kawalan ng pondo para rito.
"Ito kasi ay bagong building kaya kailangan pa nating itong dagdagan ng fund by next year. Isa ito sa magiging basis natin para mag-strive harder. Trabahuhin natin lahat ng proposal and make sure na hindi lang facility ang nasa isip natin," wika ni RED Inting.
Ayon naman kay Engr. Kenny Bryalle B. Mendez mula sa DA BAR, ang pag-aapruba ng mga panukala sa BAR ay base sa merito ng iminungkahing proyekto at hindi sa sariling pang-unawa na kapag mas mataas ang halaga ay mas maliit ang tyansa na maaaprubahan. Ito rin ay base kung naka-align ba sa panukala sa priority researcheable areas ng rehiyon at kung ito ba ay mag-aambag at magko-complement sa national researcheable areas ng DA.
"We are also in support to that [mga panukala at proyekto para pasilidad], kailangan lang naming maka-receive ng proposal at the same time kami na nandito ngayon ay ire-recommend namin yung mga concerns na na-observe namin dito sa facility. Ire-recommend namin at titingnan natin kung ano ang makukuha pa nating support na manggagaling sa BAR," pahayag ni Engr. Mendez.
"We express our highest hope that this newly inagurated facility shall contribute to productivity enhancement of our farmers by making biocontrol agents available for them. Thus, this facility shall serve as an avenue in breeding what farmers can use," sabi ni Dr. Anthony B. Obligado, Head ng Research Coordination Division sa DA BAR.
Ang tagumpay ng pagkakaroon ng pasilidad ay sa pangunguna ng Project Leader at Center Chief na si Dr. Cristina M. Sagun, ILD Chief Dr. Nanette M. Rosales at Co-Project Leader Solo Arman P. Mercene gabay ng pamumuno ng dating RED Dr. Antonio G. Gerundio at ng noo'y OIC Regional Technical Director for Research and Regulations na si RED Engr. Maria Christine C. Inting. Naging operasyonal ito sa ilalim naman ng panunungkulan nina BAR Director Dr. Junel B. Soriano at OIC BAR Joel Hm Lales.
Samantala, pinangunahan ni Fr. Ariz Raymundo Olan ang pagbabasbas ng bagong pasilidad at sinundan naman ito ng seremonya ng ribbon cutting at unveiling ng commemorative marker sa pangunguna ni RED Inting kasama ang ibang mga opisyal at kawani mula sa kagawaran.
Kabilang rin sa dumalo sa nasabing aktibidad sina Agricultural Program Coordinating Officer Artemio Casareno, Regional Integrated Agriculture Research Center Chief Dr. Jovilito Landicho, Kagawad Almiro Castillo, at Engr. Bernadette P. Galve ng DA BAR.