News and Events

Pagkilala sa Natatanging Serbisyo Isinigawa sa 1st 2025 ManComm Meeting ng DA-MIMAROPA

Pagkilala sa Natatanging Serbisyo Isinigawa sa 1st 2025 ManComm Meeting ng DA-MIMAROPA

Sa kauna-unahang Management Committee (ManComm) meeting ng Department of Agriculture-MIMAROPA para sa Taong 2025, ginawaran ng parangal ang mga natatanging yunit, seksyon, programa, proyekto, dibisyon, at opisina na nagpakita ng kahusayan at malaking kontribusyon sa mga layunin ng kagawaran noong nakaraang taon.

Ang parangal ay ipinagkaloob bilang bahagi ng pagpapahalaga sa mga nagsikap at nagtagumpay sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin at obligasyon sa kabila ng iba’t ibang hamon noong nagdaang taon.

Mga kategoryang ipinagkaloob ay Top 3 Performing Banner Program and Locally Funded Project for FY 2024 sila ang nagkamit ng matataas na bilang ng mga natapos na proyekto at napondohang proyekto base sa kanilang sa mga isinumiteng target bago magsimula ang taong 2024.

Dalawang Special Awards naman ang iginawad para sa mga yunit, seksyon, programa, proyekto, dibisyon, at opisina ng tanggapan. Ito ay ang Best in Compliance para sa mga  nagpakita ng mahusay na pagsunod sa mga patakaran ng tanggapan sa mga kinakailangang dokumento at ulat. Most Responsive naman para sa mga naging mabilis tumugon at nagbigay ng agarang aksyon  sa mga pangangailangan ng mga stakeholders at direktiba ng tanggapan. Ang kanilang mabilis na pag-aksyon at mahusay na koordinasyon ay nagbigay daan sa mas matagumpay na pagtugon sa mga sitwasyon.

Top 3 Performing Banner Program and Locally Funded Project for FY 2024

Ang naging batayan sa pagpili ang sumusunod:

Physical Accomplishment - 40%

Tiningnan dito ang mga natapos na aktibidad, mga imprastruktura, at iba pang pisikal na output na nakamit.

Financial Accomplishment-40%

Batay naman ito sa mga napondohan at nabayarang mga proyekto at program sa loob ng 2024.

Efficiency - 10%

Sinuri ang mga programa batay sa kanilang kahusayan sa pagsunod sa nga direktiba at alituntunin ng ahensiya.

Timeliness - 10%.

Tinutukoy nito ang kakayahan ng mga programa at proyekto na matugunan ang mga target na oras o deadlines, isang mahalagang aspeto upang masiguro ang maayos na pagpapatupad at pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.

Ang mga nagwagi ay ang mga sumunod

  1. Special Area for Agricultural Development
  2. Corn and Cassava Program
  3. Kabuhayan at Kaunlaran para sa Kababayang Katutubo (4Ks)

Best in Compliance 

Regional Agricultural Fisheries Council, Cashier Section , Institutional Development Section, Accounting Section, 4KS, Agricultural Competitiveness Enhancement Fund, Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture, Province-led Agricultural and Fisheries Systems, Farm and Fisheries Clustering and Consolidation

Most Responsive 

Field Operations Division, Disaster Risk Reduction and Management Unit,  Agricultural Program Coordinating Office (APCO) Palawan, APCO Oriental Mindoro, Accounting Section, Budget Section, Regional Agriculture and Fisheries Information Section.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.