News and Events

Paggamit ng agricultural drone sa pagtatanim ng palay, patuloy na isinusulong ng DA-MIMAROPA; Masagana Rice Cluster Field Walk, isinagawa sa Pinamalayan, Oriental Mindoro
Ipinapaliwanag ng kawani ng DA-MIMAROPA ang magandang benepisyo nito tulad ng mas napapadali nito ang pagtatanim ng binhi ng palay at nakatipid sa farm inputs ang mga magsasaka.

Paggamit ng agricultural drone sa pagtatanim ng palay, patuloy na isinusulong ng DA-MIMAROPA; Masagana Rice Cluster Field Walk, isinagawa sa Pinamalayan, Oriental Mindoro

Matagumpay na isinagawa sa bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro noong ika-27 ng Marso ang Masagana Rice Cluster Field Walk na pinangunahan ng Department of Agriculture – MIMAROPA Rice Program katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Pinamalayan.

Umabot sa mahigit 100 na magsasaka sa nasabing munisipalidad ang nakiisa sa naturang gawain. Dinaluhan rin ang aktibidad nina Mayor Aristeo A. Baldos Jr., Vice Mayor Rodolfo Magsino, Christian Generato, kinatawan ng Provincial Agriculture Office, National Irrigation Administration Institutional Development Officer Jojo Geron, at mga kawani mula sa iba’t ibang seed company, Municipal Agriculture Officer at Rice Program. Kasama naman mula sa DA-MIMAROPA sina Oriental Mindoro Agricultural Provincial Coordinating Officer Artemio Casareno, Oriental Mindoro Rice Provincial Coordinator Engr. Maria Teresa Carido, Occidental Mindoro Rice Provincial Coordinator Meynard Alcobera.

Base sa talaan ng Rice Program, tinatayang nasa 152.6 ektarya ng sakahan ang natukoy na clustered areas/farms. Sampung (10) ektarya dito ang napabilang sa drone seeding demonstration na ipinagkaloob ng DA-MIMAROPA sa tulong ng service provider na New Hope Corporation na isinagawa noong December 12, 2023. May kabuuang nasa mahigit 1100 na kaban ng palay ang naani sa nasabing demo farm noong ika-26 ng Marso taong kasalukuyan.

Bilang bahagi pa rin ng field walk, ipinakita rin sa mga magsasaka ang paggamit ng agricultural drone na ito at ipinaliwanag ang magandang benepisyo nito tulad ng mas napapadali nito ang pagtatanim ng binhi ng palay at makatipid sa farm inputs ang mga magsasaka. Sa tulong nito ay naging sapat ang 15 kilos na binhi ng hybrid para sa isang ektarya at nakapagsabog ng 30-40 na kilo ng binhi sa loob lamang ng 10 hanggang 15 minuto. Habang 15 litro naman ng abono at pestisidyo ang naisabog kada ektarya sa loob ng anim na minuto.

Bukod sa kaalaman sa makabagong pamamaraan ng pagtatanim, nakatanggap rin ang mga dumalong magsasaka ng nasa 1000 ng bags organic fertilizer sa ilalim ng Masagana Rice Program Provincial Demo habang 400 na bags naman ng urea sa ilalim ng MRP model farm.

Drone seeding harvest festival sa Palawan

Sa kabilang banda, isinagawa naman sa kauna-unahang pagkakataon sa bayan ng Rizal, Palawan ang drone seeding harvest festival na pinangasiwaan pa rin ng DA MIMAROPA Rice Program katuwang ang Rizal Municipal Agriculture Office.

Ang isinagawang drone seeding harvest festival sa Rizal, Palawan na pinangunahan ng Department of Agriculture – MIMAROPA Rice Program katuwang ang drone service provider na New Hope Corporation.

Umabot ng nasa 8.25 na toneladang palay kada ektarya ang na-ani sa naturang harvest festival kung saan ito ang naging bunga sa isinagawang drone seeding demonstration sa sampung ektaryang palayan noong December 7, 2023 sa Brgy. Candawaga, Rizal. 

Ayon kay Regional Rice Focal Person Degala, “ginawa natin ang aktibidades na ito para mapaghandaan talaga ‘yong mas malaki pang proyekto lalong lalo na sa paggamit ng drone”.

“Maasahan nyo po sa susunod pang taniman, ang lahat po ng nakipag-participate doon sa drone demonstration kung kayo ay interesado pa ay maaari pang bigyan ng drone voucher at ito ay libre na,” dagdag pa ni Regional Rice Focal Person Degala.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.