Nilagdaan na ng mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA) – MIMAROPA, Local Government Unit (LGU) of Gloria, at Gloria Sustainable Agriculture Association (GloSAA) ang isang memorandum of agreement na sumasaklaw sa pagkakaloob ng pondo para sa itatayong Community-Based Swine Production Farm sa nasabing asosasyon sa ilalim ng INSPIRE Program.
Sa pamamagitan ng Community-Based Swine Production Through Clustering and Consolidation Project, ang DA-MIMAROPA Livestock Program ay magbibigay ng Php10,000,000.00 sa naturang asosasyon na gagamitin sa implementasyon at pagpapatayo ng Community-Based Swine Farm nito.
Lumagda sa kasunduan sina DA – MIMAROPA Livestock Focal Person Maria Teresa O. Altayo, Oriental Mindoro Provincial Coordinator Christine Joy R. Capuyan, Acting Mayor Romeo Edward P. Alvarez, Municipal Agriculturist August T. Mantaring, at kinatawan ng GloSAA sa pangunguna ng kanilang President na si Cleofe M. Atienza at Milor Marasigan, Chairman ng Board of Director ng samahan.
Layunin ng proyekto na mag-ambag ng ligtas at may kalidad na suplay ng baboy at karne nito sa bayan ng Gloria at iba pang karatig lugar sa pamamagitan ng pagpaparami ng produksyon at pagpapalakas ng marketing nito sa loob ng tatlong taon. Gayundin ay magkaroon ng karagdagang pagkukunan ng pagkain at kita ang mga miyembro ng samahan. Naglalayon din ito na isulong ang clustering at consolidation sa mga small hold swine raisers.
Nakapaloob naman sa MOA na kinakailangan ng GloSAA na makapag-produce at makapag-market ng magandang kalidad na baboy sa loob ng tatlong taon bilang bahagi ng INSPIRE Program hanggang ang katumbas na halaga ng interbensyon na mula sa kanila ay ibabawas sa amount value in-kind ng proyekto na tinasa at sinubaybayan ng DA MIMAROPA.
Samantala, tiniyak naman ni Acting Mayor Alvarez na katuwang ang Kagawaran ng Pagsasaka at Municipal Agriculture Office, nakahanda aniya ang Lokal na Pamahalaan ng Gloria na umagapay at magbigay ng buong suporta at kooperasyon sa anumang uri ng tulong na nanaisin pa ng samahan para sa ika-uunlad ng proyekto.