News and Events

Occidental Mindoro, pilot area para sa PAFES sa MIMAROPA
Larawan ng ginanap na Briefing ng PAFES sa Occidental Mindoro sa pangunguna ng DA MIMAROPA Regional Director Antonio G. Gerundio ( wala sa larawan), (mula sa kaliwa) ATI RTC MIMAROPA Training Superintendent I Ruben P. Jugno, ATI-RTC MIMAROPA Center Director Pat Andrew Barrientos, DA MIMAROPA RTD for Operations Engr. Elmer Ferry, Engineering Division Chief Ma. Cristine C. Inting and Municipal Agriculturist Richard Ochavez.

Occidental Mindoro, pilot area para sa PAFES sa MIMAROPA

Matagumpay na naisagawa ng Department of Agriculture (DA) MIMAROPA Region katuwang ang Agricultural Training Institute (ATI) MIMAROPA ang unang Briefing ng Provincial-Led Agriculture and Fisheries System (PAFES) sa Rehiyon. Ito ay ginanap sa Magsaysay,Occidental Mindoro na kung saan ito ang napiling pilot province para sa naturang programa.

Ayon Rehiyong Patnugot ng DA MIMAROPA na si Antonio G. Gerundio ang pagpili sa Occidental Mindoro ay base na ugali at pagtanggap ng pinuno, pang-unawa sa agricultural development, kapabilidad ng State Universities and Colleges (SUCs) at agricultural extension workers.

“Mahalaga na magkaintindihan tayo kung saan ito patungo, kumbaga sa banka ang DA ang tiga-timon and kayo [Local Government Units] ang tiga-sagwan”, wika ni Director Gerundio.

Hinikayat naman ni Governor Eduardo B. Gadiano ang lahat na magtulungan sa paggawa ng transition plans and programs kabilang na ang Provincial Commodity Investment Plan dahil ang pondo ay ibababa na ng National Government para sa mga services katulad ng agriculture, social services, health, education ng LGUs .

“Malaki ang magiging role natin ngayon dito para sa implementasyon ng agricultural services ng crops, livestock, fisheries, infrastructure at maging sa agri-tourism”, sabi ni Governor Gadiano.

Ang PAFES ay isa sa mga stratehiyang ipinapatupad ng DA para sa buong bansa na kung saan layunin nitong palakasin ang pinansyal na kapasidad ng mga LGUs sa pagsasagawa ng mga programa para sa pagsasaka at pangingisda. Ito rin ay kaugnay sa Mandanas Ruling na naisabatas dahil sa pag-apela ng dating Gobernador ng Batangas na si Hermilando Mandanas na kung saan magkakaroon ng devolution ng mga empleyado.

Base sa guidelines na ipininaliwanag ni ATI-RTC MiMaRoPa Director Pat Andrew Barrientos, ang mga probinsya ang magsisilbing sentro ng PAFES sapagkat mabilis nilang maihahatid ang serbisyo sa tao, sila rin ang mas nakakaalam ng mga problema at pangangailangan ng kanilang mga lokalidad, sila ang may kapasidad na makianib sa mga financial institution ng gobyerno o pribadong sector at may economies of scale para sa agricultural development at investments.

Maliban sa Provincial Local Government Unit at DA, kabilang rin sa pagpapatupad ng PAFES ang SUCs, Regional Agriculture and Fisheries Extension Network, League of Municipalities/Cities of the Philippines, League of Municipal and Agriculturist of the Philippines, National Irrigation Administration, Provincial Agriculture and Fisheries Council, Federation of National Irrigators Association, Small Water Irrigation System Association at Coalition for Agriculture Modernization in the Philippines.

Ang pagpapatupad ng PAFES ay nakapaloob sa ONE DA program ni DA Secretary William D. Dar na modernization at industrialization na kung saan kailangang i-maintream ang PAFES dahil ito ang magiging simula ng transition plan sa loob ng transition period ng implementasyon ng Mandanas Ruling na epektibo sa taong 2022.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.