News and Events

Oryentasyon ukol sa PAFES, ginanap sa Marinduque
ang larawan ng mga dumalo sa PAFES Briefing sa Probinsya ng Marinduque kasama sina Gob. Presbistero Velasco Jr., Vice Gob. Romnulo Bacorro (front, L-R), ATI-MiMaRoPa Director Pat Andrew Barrientos, DA- MiMaRoPa Director Antonio Gerundio (front, R) **sinigurado na nakaface mask ang lahat ng dumalo alinsunod sa minimum helath standards na ipinatutupad sa probinsya

Oryentasyon ukol sa PAFES, ginanap sa Marinduque

Pinangunahan ng Department of Agriculture-MiMaRoPa kasama ang Agricultural Training Institute, BFAR, at iba pang mga ahensya ng gobyerno ang Provincial-led Agricultural and Fisheries Extension Systems (PAFES) sa Boac, Marinduque noong ika-3 ng Marso 2021.

Layunin ng programang ito na mas maitindihan ng mga kawani ng gobyerno sa lokal na pamahalaan ang mangyayari kapag tuluyan nang naipatupad ang Mandanas-Garcia Ruling.

Kasamang ipinaliwanag dito ang mga maaring maging magandang mangyayari sa mga probinsya at mga munisipyo kapag naipatupad na sa buong bansa ang Mandanas Ruling lalung lalo na sa larangan ng pagsasaka.

Sa kanyang pagsasalita, ipinaliwanag ni dating Justice at ngayo’y Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. ang mga batayan kung bakit naisabatas ang Mandanas-Garcia Ruling.

Ayon kay Velasco, ito (Mandanas Ruling) ay para mas lumaki ang pondo ng mga probinsya at lokal na pamahalaan at magkaroon ng mas magandang mga pasilidad at dagdag na trabaho sa mga mamamayan upang mas makapagserbisyo sa mga nangangailangang kababayan.

Ayon kay Dir. Antonio G. Gerundio ng DA- MiMaRoPa, lalaki ang pondo na mapupunta sa mga probinsya dahil magiging direkta na ito mula sa National Government. Dagdag pa niya, dapat may kaukulang plano na bago pa man maibagsak sa kanila ang pondo.  

Kapag lubusan nang naipatupad ng Mandanas Ruling sa taong 2022, magkakaroon ng malaking pagbabago sa istruktura ng mga probinsya dahil magkakaroon ito ng mas maraming pasilidad at pondo para sa mga kawaning kailangan hanggang sa barangay level upang mas maipalaganap ang serbisyo sa pamahalaang lokal.

Ipinaliwanag naman ni ATI Center Director- MiMaRoPa Pat Andrew Barrientos ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Mandanas Ruling. Ito ay sa kadahilanang kinwestiyon ni dating Batangas Governor Hermilando Mandanas ang istruktura ng pagbababa ng badyet mula sa national Government papunta sa provincial level.

Matapos ang matagal na usapin tungkol sa apela ay  napagdesisyunan ng Korte Suprema na isabatas na ang Mandanas ruling na dahilan ng “full devolution” ng National government papunta sa mga probinsya.

kasunod nito ay ipinaliwanag ng ibang kinatawan ng ATI ang mga gampanin ng ibang ahensya ng gobyerno kapang naisakatuparan na ang Mandanas Ruling.

Sa taong 2022 ay inaasahan na ang buong pagsasabatas ng Mandanas-Garcia Ruling.

Matapos ng papupulong, nagkaroon ng mga pag uusap ukol sa magiging epekto nito sa mga empleyado na tatamaan ng Mandanas Ruling.

Ang PAFES briefing ay sinabayan din ng Food Security Summit na kung saan ay dinaluhan ito ng ibat ibang kinatawan ng mga lokal na pamahalaan sa probinsya ng Marinduque tulad ng Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Planning And Development Office (MPDO), at iba pa.

Sa Rehiyong MiMaRoPa, naganap na ito sa Bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro at susundan pa sa mga probinsya ng Romblon, Oriental Mindoro at Palawan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.