News and Events

National Gawad Saka Outstanding Organic Farmer, kinilala
Larawan ng National Gawad Saka Awardee na si Nelson Gabutero, Sr. (gitna) kasama sina (mula sa kaliwa) Regional Gawad Saka Coordinator Baby Clariza San Felipe, Operations Chief Ronie Panoy, RED Gerundio, Precy Gabutero (asawa), APCO Quindong, at Regional Corn and Cassava Coordinator at Chief ng Engineering Division na si Ma. Cristine Inting.

National Gawad Saka Outstanding Organic Farmer, kinilala

Itinampok rin sa selebrasyon ang pagkilala kay G. Nelson Gabutero, Sr. ng Gabutero Organic Farm Supply mula sa Brgy. Labonan, Bongabong, Oriental Mindoro bilang Natatanging Magsasaka sa Organikong Pagsasaka para sa taong 2018-2019 sa ika-49 na taon ng Gawad Saka.

Ito ay dahil sa kanyang maigting na pagsusulong ng organikong pamamaraan ng pagsasaka sa kanyang pamayanan at sa buong bansa at sa walang sawang pagbabahagi ng kaalaman sa mga kapwa magsasaka at kabataan.

“Sa aming lugar maramihan po ang paggawa ng organikong pataba dahil ito po ang isang paraan upang maalagaan natin ang inang kalikasan at ako po ay natutuwa sa DA sa pangunguna ni RED Gerundio na maraming beses nang nakapunta sa amin at ako po ay lubos na nagpapasalamat dahil ang programa ng pagsasaka ay ganap na nakakarating kahit na sa liblib na lugar,” sabi ni G. Gabutero.

Pasasalamat rin ang nais niyang ipabatid sa TESDA at ATI dahil ayon sa kanya napakalaking tulong ng makabagong teknolohiyang kanilang naibabahagi sa mga magsasaka.

Bilang ganti sa lahat ng tulong at suporta na kanilang natatanggap mula sa kagawaran, si G. Gabutero ay may ginagawang pananaliksik tungkol sa organikong pagsasaka at nagsasagawa ng sariling pamamaraan upang lahat ng mga biodegradable waste ay mapakinabangan.

“Ayaw po namin na basta nalang itatapon sa isang lugar ang mga dumi ng hayop at mga nabubulok na plant parts dahil ito ay napakahalaga bilang isa sa mga raw material sa paggawa ng organikong pataba,” dagdag ni G. Gabutero.

Kasama ang kanyang maybahay na si Gng. Precy Gabutero malugod niyang tinanggap ang trophy, certificate, memorabilia, wrist watch at Php 250,000.00 mula sa Gawad Saka.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.