News and Events

MSFF, MSE ng MIMAROPA nakinabang sa SURE Aid COVID-19 loan
Pag-release ng pera ng Occidental Mindoro Cooperative Bank, isa sa mga conduit bank ng Agricultural Credit Policy Council, para sa SURE Aid Loan.

MSFF, MSE ng MIMAROPA nakinabang sa SURE Aid COVID-19 loan

Upang tulungang makaahon ang sektor ng ng agrikultura at pangisdaan na naapektohan ng pandemanyang COVID-19, mas pinalawak ng Department of Agriculture (DA) ang Survival and Recovery-Aid Loan sa ilalim ng Ahon Lahat Pagkaing Sapat Kontra Covid-19 (ALPAS Covid-19).

Tinatawag na ito ngayon na Expanded Survival and Recovery-Aid Loan o SURE COVID-19 Loan dahil bukod sa Marginalized, Small Farmers and Fisherfolk (MSFF) kasama na rin sa mabebenepisyohan ang mga Agri-Fishery-Based Micro and Small Enterprise (MSE).

Ang SURE Aid Loan ay pinapatupad ng kagawaran sa tuwing may kalamidad at krisis na nagaganap sa bansa. Sa ilalim nito ang isang maliit na magsasaka o mangingisda (na nakarehistro Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA)) ay maaaring makahiram ng P25,000 na walang kolateral at interes at maaaring bayaran hanggang sa 10 taon.

Sa ilalim naman ng SURE COVID-19 Loan ang isang MSE na kasalukuyan nabibilang sa produksyon, pag-poproseso, pangangalakal ng iba’t ibang produktong pang agrikultura at pala-isdaan  ay maaring makahiram hanggang sa P10-milyon na walang interes at maaaring bayaran hanggang sa limang taon.  

Sa MIMAROPA, may limang kooperatiba/asosasyon na ang napahiram at may apat pang samahan ang kasalakuyang pinoproseso ng ahensiya na pinangungunahan ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC). Ang mga naunang kooperatiba at asosasyon na ito ay nagmula sa probinsya ng  Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Palawan. Umabot na sa kabuuang P35 milyon na ang napahiram ng ahensiya at may kasalukuyan pang pinoproseso.

Samanatala, nakapagpautang na rin ang ahensiya ng aabot sa P10-milyon sa 400 MSFF mula sa Occidental Mindoro, at 2.72-milyon sa 109 na mga magsasaka ng Calatrava, Romblon.

Ayon kay Gng. Marietta S. Alvis, Institutional Development Section Head, sa ilalim ng SURE-COVID-19 Loan may alokasyon ang programang para sa 2,500 mga maliliit na magsasaka mula sa MIMAROPA (900 magsasaka sa Occidental Mindoro at Oriental Mindoro, 300 sa Palawan, 200 sa Romblon at Marinduque). Nakadepende rin ang pagkakaroon ng pautang kung may eligible na lending conduit sa isang probinsiya.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.