News and Events

MIMAROPA, Binida ang Tagumpay sa Rice Self-Sufficiency sa MRIDP Workshop
MIMAROPA, Binida ang Tagumpay sa Rice Self-Sufficiency sa MRIDP Workshop

MIMAROPA, Binida ang Tagumpay sa Rice Self-Sufficiency sa MRIDP Workshop

Coron, Palawan – Sa pagsusumikap ng buong bansa na isulong ang rice self-sufficiency, binida ng MIMAROPA Region ang kanilang natatanging tagumpay sa pagpapatupad ng Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) sa Assessment and Planning Workshop na ginanap noong Abril 21–25, 2025.

Ibinahagi ni Department of Agriculture-MIMAROPA Regional Executive Director Christopher Bañas na nakamit ng rehiyon ang 156% rice sufficiency noong 2024—isang malaking hakbang na nagpapakita na hindi lamang kayang tugunan ng MIMAROPA ang sariling pangangailangan sa bigas, kundi nakakatulong pa sa ibang rehiyon ng bansa.

“With the help of DA interventions, the region achieved a remarkable 156% rice sufficiency, producing more rice than we consume. The surplus is purchased by the National Food Authority (NFA) and private traders, then transported to supply rice-deficient areas in other regions—proving that with the right support, local farmers can feed not just their provinces, but the entire country,” aniya. 

Kanya rin ibinahagi na ang Rice Program at ang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program ay nakabuo na ng 483 clustered farms sa rehiyon. Binubuo ito ng 459 clusters na nasa Antas 1, kung saan nakatuon lamang sila sa produksyon ng palay at ang kanilang pangunahing produkto ay sariwang palay. May 4 na clusters naman na nasa Antas 2, na lumalahok sa parehong produksyon ng palay at paggiling ng bigas, at kasalukuyan nang nakikibahagi sa pagbebenta ng tuyong palay at/o giniling na bigas sa pakyawan at tingian. Samantala, 20 clusters ang umabot na sa Antas 3, na pinalawak ang operasyon upang isama hindi lamang ang produksyon ng palay at paggiling ng bigas, kundi pati na rin ang pagpoproseso at paglikha ng mga value-added rice-based products tulad ng mga produktong gawa sa bigas.

“This shows that MIMAROPA is steadily moving forward in strengthening the rice value-chain– from basic production to more advanced, profitable agribusiness models,” kanyang pagpapaliwanag. 

Sa workshop, tinalakay ang pagpapalakas ng rice clusters, pagpaparehistro ng mga samahan, at pagpapalawak ng mga aktibidad na magpapataas ng kita at kakayahan ng mga magsasaka sa rehiyon at sa buong bansa.

Binigyang-diin naman ni DA Undersecretary for Rice Industry Development Christopher Morales ang kahalagahan ng clustering at consolidation hindi lamang bilang estratehiya kundi bilang instrumento ng empowerment.

“Let’s co-create policies and strategies that respond to real-world needs. Let’s make this workshop a launchpad for impact—guided by data, enriched by experience, and fueled by heart. Because when we cluster, we build community. When we consolidate, we build power," ani Usec. Morales sa kanyang mensahe.

Naging aktibo rin sa workshop ang iba't ibang ahensya ng gobyerno, mga eksperto sa agrikultura, at mga kinatawan mula sa pribadong sektor upang bumuo ng kongkretong hakbang sa pagpapalago ng industriya ng bigas.

Ang MRIDP ay hakbang ng Kagawaran ng Pagsasaka sa pag-abot ng 98% rice self-sufficiency ng bansa sa taong 2028. Kasabay nito ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng clustering at consolidation, paglikha ng matatag, sama-sama, ganado, at napapanahong mga komunidad (Matatag, Sama-sama, Ganado, Napapanahon), pagpapabuti ng kita at kabuhayan ng mga rice farmers sa pamamagitan ng pagsuporta sa value-adding at agribusiness, pagbawas ng pag-asa sa importasyon sa pamamagitan ng pagpapalakas sa lokal na produksyon at rice value chain.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.