News and Events

Mga magsasaka ng SAAD sa Romblon, tumanggap ng Php4.6M na halaga ng interbensyon sa produksyon ng palay, mais, at HVC
Malugod na tinanggap ng mga magsasakang kasapi ng Bunsoran Rainfed and Integrated Farmers Association sa bayan ng Ferrol ang makinarya at mga agricultural inputs na ipinagkaloob ng SAAD MIMAROPA kasama sina (mula sa kaliwa) Municipal Agriculture Officer Elena C. Tibio, Romblon Agricultural Program Coordinating Officer Engr. Analiza Escarilla, SAAD MIMAROPA Community Development Officer Jercel N. Catubig (gitna), at Mayor Christian Ll. Gervacio (ikalawa mula sa kanan).

Mga magsasaka ng SAAD sa Romblon, tumanggap ng Php4.6M na halaga ng interbensyon sa produksyon ng palay, mais, at HVC

ROMBLON, July 21, 2023 – Kasunod ng social preparation component ng Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD), siyam (9) na samahan ng mga magsasaka sa mga bayan ng Alcantara, San Andres, at Ferrol sa lalawigan ng Romblon, isa sa mga bagong probinsiya na napabilang sa SAAD Program, ang pumapasok na ngayon sa food production and livelihood component at nakatanggap ng Php4,655,220.02 na halaga ng mga agrikultural na interbensyon sa produksyon ng palay, mais, at mga gulay.

Isinagawa ang pamamahagi sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan kung saan nagpakita ng buong suporta sina Mayor Riza G. Pamorada ng bayan ng Alcantara; Mayor Arsenio G. Gado, Vice Mayor Joel G. Ibañez at Councilor Ruben Mingoa ng San Andres; ganon rin sina Mayor Christian LI. Gervacio, Vice Mayor Joenan S. Sarmiento, at Councilor Panfilo F. Patnon, Jr. mula sa munisipalidad ng Ferrol.

Bago ang livelihood implementation, nagsagawa ang SAAD MIMAROPA ng Beneficiary Needs Assessment (BNA).  Base dito, karamihan ng mga magsasaka ay umaasa sa pagtatanim ng palay, mais, at mga high-value crops para sa pagkain ng kanilang pamilya.  Dahil sa kanilang pinansyal na kalagayan, nahihirapan silang mamuhunan sa mga kinakailangang inputs sa pagtatanim upang palakasin ang kanilang produksyon at pagbebenta. Nais ng mga magsasaka na mabigyan sila ng tulong na teknikal upang magkaroon ng karagdagang kita tungo sa mas maunlad at matatag na kinabukasan.

Pagsasakatuparan ng Proyekto

Kabilang sa mga pinahamagi ng programa sa ilalim ng Corn, Vegetable, at Lowland Rice Production Projects (FY 2023) ang mga pataba (NPK fertilizers), hermetic storage cocoons, hand tractors, pumps and engines, at hybrid corn seeds. Karamihan sa mga nabanggit ay kinakailangan sa pagsisimula ng produksyon ng mga magsasaka. Ang mga water pumps naman ay inaasahang makatutulong sa pagpapatubig ng mga taniman habang ang mga hand tractors na may trailer ay malaki ang maitutulong sa paghahanda ng lupa at transportasyon ng mga agricultural inputs at ani ng mga magsasaka.

Sa pamamagitan ng proyekto, nasa 225 na magsasaka mula sa Alcantara at San Andres, na parehong nasa 5th class, at Ferrol, na nasa kategorya naman ng 6th class, ang natulungan.

Table 1. Mga interbensyong ipinamahagi sa mga magsasaka ng Alcantara, Ferrol, at San Andres

MUNICIPALITY ASSOCIATION NO. OF MEMBERS PROJECT TITLE INPUTS COST (Php)
Alcantara (5th class) Suong Corn Growers Association 25 Corn Production 811,218.
Bonlao Corn Growers Association 25 Corn Production 811,218.
Calagonsao Corn Growers Association 25 Corn Production 811,218.
Carnal Vegetable Growers Association 25 Vegetable Production 199,578.
Gui-ob Farmers Association 25 Lowland Rice Production 711,628.
San Andres (5th class) Matis-anon Farmers Association 25 Vegetable Production 199,578.
Dona Trinidad Farmers Association 25 Vegetable Production 199,578.
Ferrol (6th class) Bunsoran Rainfed and Integrated Farmers Association 25 Lowland Rice Production 711,628.
Tubigon Vegetable Growers Association 25 Vegetable Production 199,578.
TOTAL 4,655,220.

 

Ipinahayag ni Gng. Anelinda G. Martinez, Chairperson ng Doña Trinidad Farmers Association (DTFA) sa San Andres, ang kaniyang pasasalamat sa programa sa pagkakaloob ng mga kagamitan sa kanilang samahan tulad ng water pump.

“Malaki pong tulong ang water pump sa amin kasi ang lupa na gagamitin sa asosasyon ay walang irrigation, malapit kami sa ilog, almost 100 meters (ang distansya) at doon kami kukuha ng tubig. Iyon ang una naming kailangan, ang water pump para mabuhay iyong garden namin na nakaregister sa asosasyon,” aniya.

Gagabayan ng mga tagapagpatupad ng SAAD program katuwang ang mga Municipal Agriculture Office (MAO) ng mga nasabing bayan ang mga samahan sa buong pagsasakatuparan ng proyekto upang tulungan ang mga mahihirap na magsasaka na pataasin ang kanilang produksyon at paunlarin ang kanilang kabuhayan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.