ππππππππππ πππππππ, π’π€π-ππ π§π ππ’π¬π²ππ¦ππ«π, ππππ β Kumita ng Php 355,340.00 at nakapagbigay ng masustansyang pagkain para sa kanilang pamilya ang mga magsasaka ng Mabunga Vegetable Vendors Association (MVVA) mula sa 8,881 kilos (kg) ng sari-saring gulay na kanilang inani mula Mayo hanggang Nobyembre, 2022.
Higit pitumpung bahagdan (70%) o 6,370.5 kg ng kabuuang ani ng MVVA ang naibenta nito sa kanilang mga suking mamimiling kumukuha ng maramihan sa kanilang samahan. Inilaan naman ng grupo ang natitirang 2,510.5 kg sa pagkain.
Talahanayan 1. Inaning gulay ng MVVA mula Mayo hanggang Nobyembre, 2022.
GULAY |
GULAY PANGKONSUMO (kg) |
NAIBENTANG GULAY (kg) |
KABUUANG INANI (kg) |
KABUUANG KITA (Php) |
Ampalaya |
130.5 |
444.5 |
575 |
46,000.00 |
Sili |
175.5 |
559.5 |
735 |
40,800.00 |
Talong |
2,060.5 |
4,539.5 |
6,600 |
223,650.00 |
Upo |
71.5 |
178.5 |
250 |
7,500.00 |
Sitaw |
72.5 |
287.5 |
360 |
25,800.00 |
Kamatis |
- |
111 |
111 |
5,000.00 |
Kalabasa |
- |
250 |
250 |
6,590 |
TOTAL |
2,510.5 |
6,139.5 |
8,881 |
355,340.00 |
Β
Walo (8) mula sa 32 miyembro ng MVVA ang may sariling lupain na pinagtataniman ng gulay. Ang ibang mga miyembro ay tumutulong sa pagtatrabaho sa gulayan at paghahanda ng mga aanihing gulay na ibebenta sa pamilihan.
Dahil sa naging magandang ani ng samahan, nahikayat nila ang mga katutubong manggagawa sa kanilang gulayan na magtanim din ng gulay upang mas lumaki ang kanilang kita.
"Nahikayat na rin namin 'yung mga katutubo naming members na magtanim sa bundok kasi nakikita nila na maganda ang ani ng gulay at may kita talaga," bahagi ni Gng. Nelly Alcantara, Chairperson ng MVVA.
Binabahagi ni Gng. Alcantara sa mga katutubo ng mga epektibong paraan ng pagtatanim ng gulay. Bukod dito, pinaplano rin ng chairperson na ipahiram ang bahagi ng kanyang lupa sa mga magsasakang walang sariling lupa upang makapagsimula ang mga ito.
" 'Yung mga katutubo na walang lupa, pwede silang magtanim doon [sa bakanteng lupa] para mas lumaki rin ang production ng samahan at kumita rin [ang mga katutubo]," ani Gng. Alcantara.
Naging bahagi ng Department of Agriculture β Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program ang MVVA noong 2021 at nakatanggap ng Vegetable Production Project na nagkakahalaga ng Php 950,000 naglalayong masuportahan ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim.
"Dati kakaunti lang ang naani namin. Pero ngayon, malaki na rin ang inasenso [namin]," bahagi ni Gng. Alcantara.
Upang patuloy na suportahan ang MVVA sa kanilang gulayan, ipinagkaloob ng SAAD Program ang Swine Production Project na nagkakahalaga ng Php 992,000.00. Ito ay isang integrated na approach dahil pwedeng gamitin bilang pagkain ng baboy ang mga hindi naibentang gulay na makakabawas sa gastusin para sa pagkain ng baboy.
Matatandaang nakapagtala rin ng 6,701 kg ani ng ibaβt ibang gulay ang samahan noong Hulyo hanggang Disyembre 2021. Maaring bisitahin ang https://saad.da.gov.ph/saad.../saadventures-vol-3-issue-no-8, pp 25-29 at tunghayan ang kwento ng MVVA.