Nasa 200 mga magsasaka at mangingisda na ang nakatanggap ng pautang mula sa Expanded SURE AID Program ng Department of Agriculture na magkakahiwalay na ginanap sa mga munisipyo ng probinsya ng Romblon kamakailan.
Ang Expanded SURE-AID Loan o Survival and Recovery-Aid Loan ay isang programa ng Kagawaran upang tulungan ang mga maliliit na mga magsasaka at mangingisda na makaahon sa kanilang kabuhuyan sa pamamagitan ng pautang na maaaring bayaran sa loob ng 10 taon na walang kolateral at interes.
Katulong ng Department of Agriculture- Agricultural Crop Policy Center (DA- ACPC) ang Arya Multi-purpose cooperative upang maipamigay sa mga magsasaka ang pautang na ₱25,000.
Masaya ang mga magsasaka na nakatanggap ng tulong mula sa SURE AID loan dahil magagamit na nila ito sa panimulang tanim nila at pambili ng iba pang kagamitan sa kanilang mga bukirin. “Maraming Salamat po sa DA at ACPC dahil sa natanggap naming pautang na walang interes! dahil dito ay madadagdagan ang aking kapital sa pagtatanim ko ng palay”, wika ng isang benepisaryo ng SURE-AID Loan
Mas pinaigting ang programang ito sa panahon ng pandemya dahil malaki ang maitutulong nito upang mai-boost ang mga magsasaka na magtanim pa upang mas may makain ang mga tao at mas maiangat pa ang sektor nag agrikultura sa bansa.
Ang pamamahagi ng SURE-AID loan ay alinsunod sa minimum health standards na ipinatutupad sa ilalim ng Modified General Community Quarantine na ipinatutupad ngayon sa probinsya.