MAGSAYSAY, OCCIDENTAL MINDORO, Nakatanggap ng Cassava Granulator ang Calachuchi Indigenous Farmers Association (CIFA) mula sa Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program noong Hulyo 9, 2021.
Katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Magsaysay (LGU), Magsaysay Mayor Cesar M. Tria, at ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa pagbigay ng cassava granulator.
Tumatagal ng 10 hanggang isang (1) taon bago anihin ang balinghoy. Matapos anihin, ito ay tinatadtad at pinapatuyo sa araw sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Naibebenta ng Php 8.00 hanggang 8.50 ang isang kilo ng natuyo at natadtad na balinghoy na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng feeds. Ginagamit din ito sa iba pang produkto gaya ng plywood, starch, at iba pa.
Ang cassava granulator ay isang makina na ginagamit para sa mas mabilis, mas madali, at mas pinong pagtatad ng balinghoy kumpara sa mano-manong pagtadtad.
“Matagal na naming gustong magkaroon ng granulator dahil binababa pa namin sa bayan ang aming balinghoy para matadtad. Ngayon na nabigyan na kami [ng granulator], hindi na naming kailangang bumaba sa bayan at mas madali kaming makakabenta,” ani ni Anselmo Palomo, Vice Chairman ng CIFA.Ang CIFA ay binubuo ng 23 ratagnon-mangyan na nagtatanim ng balinghoy at mais sa halos 20 hektaryang lupa. Sila ay naging benepisyaryo ng SAAD noong 2020 at nabigyan ng limang (5) sets ng farm implements (araro at suyod), 27 sets ng farm tools (pala, asarol, kalaykay, piko, spading fork, sprinkler, wheel barrow), limang (5) caraheifer, at isang (1) unit ng grass cutter noong 2020.
Matatagpuan ang asosasyon sa Sitio Calachuchi, Brgy. Alibog na nasa liblib na kabundukan ng Magsaysay.
Katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Magsaysay (LGU), Magsaysay Mayor Cesar M. Tria, at ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa pagbigay ng cassava granulator.