News and Events

Mga Estratehiya para sa Pagpapahusay ng Serbisyo ng DA-MIMAROPA, Binigyan-Diin sa Unang Mancom Meeting ng 2025

Mga Estratehiya para sa Pagpapahusay ng Serbisyo ng DA-MIMAROPA, Binigyan-Diin sa Unang Mancom Meeting ng 2025

Naging pokus ng unang  Management Committee (ManCom) meeting ng Department of Agriculture-MIMAROPA para sa taong 2025 ang pagtalakay at pagbuo ng mga estratehiya upang mapabuti ang mga serbisyo at maipagpatuloy ang pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka at mangingisda ng rehiyon at mga kawani ahensiya.

Pinangunahan ni Regional Executive Director (RED) Atty. Christopher Bañas, kasama sina Regional Technical Director (RTD) for Operations Vener Dilig at OIC-RTD for Research and Regulations Dr. Nanette Rosales ang pulong noong Enero 27, na dinaluhan ng mga division at section chiefs, program and project focal person at report officer, at iba pang kawani. Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin na magbibigay-daan sa mas episyenteng operasyon ng ahensya ngayong taon.

Naging bahagi ng pagpupulong ang mga 10 mga isyu at hamon ng bawat dibisyon nang nagdaan taon na naging balakid sa pagpapatupad ng mas episyenteng interbensiyon sa sektor. Ilan na ang ang dito ang malaking hamon sa kakulangan ng kawani at lohistika,  epekto ng kalamidad  at ang pagbabago ng demand at pangangailangan ng mga magsasaka dahil sa kalamidad, sakuna, at galaw ng merkado, at ilang pagsunod sa mga alituntunin . Ang paglalahad ng mga isyung ito ay naging daan para sa ahensiya na makabuo ng konkretong plano kung papaano sosulusyonan at paghuhusayin ang mga serbisyo ng ahensiya para sa kasalukuyang taon. Ilan na dito ang mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin  upang hindi magkaroon ng kalituhan, pakikipag-usap ng maayos sa mga stakeholders at partner  local government units, pagkuha ng pansamantalang mga kawani para mapagtuunan ang mas mabilis na pagpapadaloy ng pondo, at marami pang iba.

Tinalakay din ng Disaster Risk Reduction and Management  Focal Person Engr. Ma. Teresa Carido ang Special Provision of FY 2025 General Appropriations Act. Inilahad dito ang implementasyon ng Php1 billion pondong nakalaan para sa Quick Response Fund upang matiyak ang pagsunod at pag-align ng mga programa sa  pangunahing prayoridad ng nasabing yunit na pag-iwas sa malalang epekto at pinsala ng mga kalamidad at sakuna.

Napag-usapan din ang pagsasagawa ng tamang paglalaan ng pondo at pagpipresyo sa mga proyektong imprastraktura ng Regional Agriculture Engineering Division. Nagpapaalala naman si RED Bañas na ayusin ang pagpapamarket scan at sundin ito batay sa alituntunin ng gobyerno.  

Nagkaroon din ng pagtalakay at pagpapaalala sa mga darating na re-certification ng ISO 9000:2015 nang mapanatili ang mataas na kalidad na serbisyo ayon sa pandaigdigang pamantayan. Kasama na rin inilahad ng Human Resource Section ang bagog napagkasunduang pagpapatupad ng bagong uniporme batay sa direktiba ng Central Office at Civil Service Commission. Inilatag din ang  pagpapalakas ng mga health at sanitary protocols sa lahat ng tanggapan ng DA upang masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado at stakeholder sa mga nakaambang sakit.


Isang espesyal naman bahagi ng pulong ang ginugol para kilalanin ang mga yunit, seksyon, programa, proyekto, dibisyon, at opisina na nagpakita ng kahusayan at malaking kontribusyon noong 2024 sa Awarding of Top Performing Divisions, Programs, Projects, Units, at Sections.

Sa pagtatapos ng pulong binigyang-diin ni RED Bañas ang mga karanasan ng ahensiya sa nagdaang  taon tiningnan niya ito bilang isang oportunidad na mas mapahusay pa ang paglilingkod sa sektor.

“We faced a lot of challenges and accepted a lot of opportunities, at the same time may areas and possibilities tayo for a certain situation na magiging part ng plano. I am hopeful na (ngayong taon) sana hindi na yung negative, sana lakasan pa natin ang prayers para hindi na natin maranasan ang kalamidad last year,” aniya.

Bagamat nabawasan ang pondo ng ahensiya, umaasa pa rin ang Direktor na mapahusay at mas mapaunlad pa rin ng tanggapan at ng mga kawani ang paglilingkod sa sektor ng agrikultura sa tulong ng mga nailatag na mga estratehiya at plano na naisagawa sa pagpupulong. Sa huli isang pasasalamat ang hinatid niya sa mga kawani dahil sa mga pagtugon sa mga hamon at pagtaguyod ng pag-unlad ng mga magsasaka. 

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.