Ang Department of Agriculture–MiMaRoPa ay naglaan ng 2.8 Million pondo para sa libreng binhi upang ipamigay sa mga probinsiya ng rehiyon habang may Enhanced Community Quarantine (ECQ)
Sa Occidental Mindoro, sinimulan ang pamamahagi sa bawat munisipyo nitong Abril 14, 2020 sa pangunguna ni Mr. Gerardo Laredo, Agricultural Program Coordinating Officer ng probinsiya
Nakatanggap ng 1,203 na pakete ang San Jose at 492 ang Paluan, 576 para sa Abra De Ilog, 516 sa Mamburao, 1,128 sa Sablayan , 440 sa Rizal, 420 sa Calintaan at ang 1,572 packets naman ay pamamahalaan ng Provincial Agriculture Office.
Binase ang bilang ng pakete sa laki ng bayan.
Samantala, ang binhing gulay ng Lubang at Looc ay manggaling sa Regional Office patungo sa pier ng Nasugbo, Batangas.
Ang mga binhing ito ay unang bugso pa lamang at may darating pang binhing gulay para sa magsasaka. Ang pamimigay ng binhi ay pamamahalaan ng Municipal Agriculture Office.
Ang proyektong ito ay kasama sa Plant, Plant, Plant Program ng Kagawaran ng Pagsasaka na siyang tugon ng ahensiya upang masiguro ang sapat ng pagkain sa kalagitnaan ng banta ng COVID-19.