News and Events

 Matingkad at Masaganang Ani, itinampok sa Yellow Corn Derby Harvest Festival
Ang ribbon cutting ceremony na isang hudyat ng pagsisimula ng Corn Derby at Harvest Festival na pinagunahan nina (mula kaliwa) Provincial Agriculturist ng Occidental Mindoro Engr. Alrizza C. Zubiri, dating Municipal Agriculturist ng Sta. Cruz Josie Villa, Sta Cruz Vice Mayor Mark Galsim, APCO Eddie Buen, National Corn and Cassava program Director Milo delos Reyes, National Corn and Cassava program Coordinator Engr. Ma. Christine Inting, at DA-MIMAROPA Corn Program Focal Person Engr. Franz Gerwen Cardano

Matingkad at Masaganang Ani, itinampok sa Yellow Corn Derby Harvest Festival

Isang makulay at masaganang pagdiriwang ang naganap sa Yellow Corn Derby Harvest Festival sa bayan Sta. Cruz sa Occidental Mindoro noong ika-18 Marso. Ang Corn Derby ay isang aktibidad ng Department of Agricuture- MIMAROPA Corn Program upang isulong ang mga hybrid na barayti at makabagong biofertilizer sa mga magsasaka.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Regional Executive Director Atty. Christopher Banas ang halaga ng aktibidad sa pagpapalakas ng local ma produksyon ng mais.

“Malaki pa ang puwang para sa ating mga magsasaka na mapunan ang kakulangan at palakasin ang local na suplay ng mais. Dahil dito, ang ating Corn Derby ay isang mahalagang hakbang upang matulungan ang ating mga magsasaka na makamit ang dekalidad na binhi at subok na teknolohiya upang mapataas ang ani, mapababa ang gatos, at mapalakas ang kanila kita,” aniya.

Ang mga lumahok na seed Companies gaya ng Bayer Crop Science, Corteva Agri Science Philippines, BioPrime Agri Industries Incorporated, Advanta, Yara, Syngenta, Philippines, Bioseed Research Philippines, ADA manufacturing Corporation (ADAMCO), Aldiz Corporation, Gemini Agri Farm Solutions Corporation, Amway Philippines, Asian Hybrid Seed Technogies, Vigour Seeds Development Inc. ay nagpakita ng kani-kanilang mga pamamaraan sa pagtatanim ng mais upang makuha ang mas mataas na ani nito.

Nakita din dito ng mga dumalong magsasaka mula sa iba’t ibang munispalidad sa Occidental Mindoro ang magandang epekto ng tamang paglalagay ng abono at distansya ng halaman upang makamit ang mas magandang ani ng mais.

Malaki ang pasalamat ni G. Rodolfo Patal Jr., ang pangulo ng Gintong Butil Farmers Association, na nagsilbing farmer cooperator ng aktibidad.

“Malaki po ang pasasaalamat ng aming samahan na Gintong butil Farmers Association. Dahil dito po sa aming lugar napili na maging venue po nitong derby dahil nakita po naming ng malapitan kung paano po dapat ang tamang paglalagay ng mga abono at tamang distansya ng pagtutundos ng binhi ng mais”.

Dumalo rin sa derby sina National Corn and Cassava Program Director Milo Delos Reyes, National Corn program Coordinator Engr. Maria Christine C. Inting, Agricutural Program Coordinating Officer ng Occidental Mindoro Eddie Buen, Occidental Mindoro Provincial Agriculturit Engr. Alrizza C. Zubiri.

Ang Yellow Corn Derby ay patunay ng patuloy pagsisikap ng DA-MIMAROPA na suportahan ang mga magsasaka sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapabuti ang produksyon ng mais sa rehiyon.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.