Kasalukuyang ginaganap ang malawakang pagbabakuna ng anti-rabies sa mga aso at mga pusa sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro.
Sa pangunguna ng Department of Agriculture-MIMAROPA Livestock program kasama ng Municipal Agriculture Office at ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose, Occidental Mindoro ang programang ito at regular na ginagawa upang mabawasan ang kaso ng rabies sa bayan.
“Sinisiguro namin na may taunang pondo na nakalaan para sa anti-rabies vaccinination ganun din sa iba pang programa na nagsusulong sa kalusugan ng mga alagang hayop. Hinihikayat ko ang lahat na makiisa upang matagumpay na maisakatuparan ang pagiging Rabies Free Community ng bayan ng San Jose,” ani ni San Jose Municipal Agriculturist Romel Calingasan.
Natapos na ang unang bahagi ng anti-rabies vaccination noong Agosto 4 kung saan nakapagbakuna sila ng 307 na aso at 33 na pusa sa Brgy. 1,2,3,4 at 5. Nakapagbakuna na rin sila sa Brgy. 6,7 at 8 noong Agosto 6 kung saan nakapagbakuna sila ng 163 na aso at 17 pusa. 473 na aso at 36 na pusa naman ang nabakunahan nila noong Agosto 11 sa Brgy. Caminawit.

Layunin ng programang ito na mabakunahan ang mga aso at pusa sa bawat barangay ng San Jose. Hinihikayat rin ng programang ito ang responsableng pag-aalaga ng mga hayop.
“Ang pag-aalaga ng hayop ay isang responsibilidad. Hindi lang pagpapakain at pagpapaligo ang nararapat sa kanila. Kasama sa tamang pag-aalaga ang mabigyan sila ng bakuna laban sa nakamamatay na rabies,” pahayag ni Dr. Novamarri Valdez, resident veterinarian sa bayan ng San Jose.
Nakatakda ang susunod na pagbabakuna ng anti-rabies sa Agosto 13 sa Brgy. Pag-asa, Agosto 18 sa Brgy. Bagong Sikat, Agosto 20 sa Brgy. Labangan, Agosto 25 sa Brgy. San Roque at Agosto 27 sa Brgy. Bubog.
Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng San Jose sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office na pabakunahan ang mga alagang aso at pusa ng kanilang mga kababayan.
“Sinisikap po namin na mapuntahan ang 39 na barangay dito sa San Jose upang masiguro na lahat ay mabigyan ng serbisyo. Be a responsible pet owner. Mga alaga ninyo ay regular na pabakunahan,” paalala ni MA Calingasan.
“Pinapakiusap naman namin sa mga pet owners na huwag mag atubiling dalhin ang kanilang mga alagang hayop sa mga itinalagang vaccination site. Sinisuguro rin ng aming tanggapan na masusunod ang social distancing at no face mask policy habang isinasagawa ang programang ito,” ani ni Dr. Valdez
Isa pa sa layunin ng malawakang anti-rabies vaccination na ito ay upang makiisa sa programa ng pamahalaan na maging Rabies Free country ngayong 2020. Patuloy na makiisa, be a responsible pet owner.