News and Events

Mangyan sa Ormin, tumanggap ng mahigit 200 kilong bigas at 100 kilong corn grits mula sa DA
Mga benepisyaryong katutubong Mangyan na naninirahan sa Alcate, Victoria

Mangyan sa Ormin, tumanggap ng mahigit 200 kilong bigas at 100 kilong corn grits mula sa DA

Panahong isinatupad ang mga alituntuning pangkaligtasan tulad ng community quarantine sa mga munisipalidad, ang kabuhayan ng lahat ng mga mamamayan ay naapektuhan patungkol sa kanilang hanap-buhay, pagkain, at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan. Higit sa lahat, nagbago rin ang pamumuhay ng ating mga katutubong Mangyan na naninirahan sa mga bundok ng Alcate, Victoria.

Sa pamamagitan ni Agricultural Program Coordinating Officer Coleta Quindong ng Kagawaran ng Pagsasaka Satellite Office – Oriental Mindoro, tumanggap ang bawat katutubong Mangyan ng tig-isa’t kalahating kilo ng mais at tatlong kilo ng bigas mula sa Regional Integrated Agricultural Research Center ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Alcate, Victoria nitong Agosto 18.

Aniya APCO Coleta Quindong sa mga dumalong katutubo, “Humaharap kami sa inyo ngayon upang maiabot ang aming tulong para sa panahon ngayon. Nandito kami para tulungan kayong mga katutubo. Kung gusto niyo maturuan ng tamang paraan ng pagtatanim, kung paano maghanap-buhay, o kung paano ang paghahalaman, puede kayong magpractice o maturuan dito.”

Habang namimigay ng bigas at mais, nagbahagi rin si APCO Quindong ng ilang paalaalang pangkalinisan tulad ng tamang paghuhugas ng kamay at paggamit ng facemask upang makaiwas sa bantang pandemya. Naipahayag din ng mga katutubo ang kanilang tuwa dahil sa natanggap na bigas at mais mula sa kagawaran sapagkat mayroon na silang pang-araw-araw na pagkain.

Si Jayme Baldo na isang inang may limang anak na binubuhay ay masayang nagpasalamat, “Salamat po rito sa pagkain sapagkat kailangan namin ngayon. Mahirap nga po dahil hindi kami makalabas kaya’t masaya po ako na meron kaming makakain sa pang-araw-araw.”

Ang Regional Integrated Agricultural Research Center sa Alcate, Victoria, Oriental Mindoro ay isa sa pinakamalaking estasyon para sa pagsusuri at produksyon ng mga dekalidad na pananim at at paghahayupan sa ilalim ng DA – MIMAROPA na may layuning suportahan ang ani at kita ng mga magsasaka at magkaroon ng sapat na pagkain sa mga komunidad.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.