News and Events

Mahigit 3-libong punlang pananim, unang pinamahagi sa Lungsod ng Calapan
Pamimigay ng punla sa isang residente ng Lumangbayan.

Mahigit 3-libong punlang pananim, unang pinamahagi sa Lungsod ng Calapan

Una ng nakatanggap ng 3,480 na punla ng gulay na pananim mula sa Kagawaran ng Pagsasaka-MIMAROPA ang mga residente ng Barangay ng Lumangbayan at Santa Maria Village sa Calapan City nitong Mayo 6-7.

Kabilang sa mga punlang tinanggap ng dalawang barangay ay; kamatis (800), talong (750), sitaw (500), sili panigang (500), okra (330), kalabasa (250), at upo (350). Gumamit ang mga residente ng iba’t ibang materyales tulad ng mga timba, gamit na plastik, dahon o katawan ng saging upang paglagyan ng mga punla.

Ang proyektong ito ay alinsunod sa “Gulayan sa Bakuran” ng Kagawaran ng Pagsasaka na sinimulan noong Abril 25 sa ilalim ng Plant Plant Plant Program ni Kalihim William Dar.

Ayon kay Agricultural Program and Coordinating Officer Coleta Quindong, layunin ng proyektong matugunan ang food sufficiency sa Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang homeyard supply ng mga punlang may sibol na nang sa gayo’y maibsan ang suliranin ng pagpapatubo nito at ang pagkaimbak ng mga binhing ipinapamigay ng kagawaran. Hangad din ng proyektong tangkilikin ng mga residenteng naninirahan sa syudad ang urban gardening para sa patuloy na suplay ng ng gulay sa panahon ng community quarantine.

“Nung una kasi, hindi kami makapagsibol lalo na at wala masyadong nagtatanim sa amin at minsan hindi nagagalaw kung may nakatabing buto pero dahil dito, madadalian na kami dahil sibol na,” wika ni Ces Laverez, residente mula Lumangbayan na nakatanggap ng mga punla. “Maraming matututong magtanim,unang una. Tapos kapag tumubo, may maha-harvest pa kaming gulay which is kailangan ngayon,” dagdag niya.

“Maganda yung mga pinamigay na mga ito (mga punla), pang-convenience at pang-sustain na pagkain ngayong panahon para sa hapag-kainan ng pamilyang Mindoreño, my community. Malaki rin ang naitutulong ng pag-aalaga ng halaman sa pag-aalis ng stress which is number one para sa akin,” banggit ni Arlene Castillo, isang residente mula Sta. Maria Village.

Naunang nabigyan ang mga residente ng nasabing barangay dahil malapit ito sa barangay ng Guinobatan kung nasaan ang nursery ng nasabing programa. Pinangunahan ni Science Research Specialist Genesis Castro, na siyang ring namamahala sa mga punla, ang pakikipag-ugnayan sa mga punong barangay ng nasabing mga lugar. 

Isusunod na rin sa papamahagian ang Barangay ng Nacoco sa Mayo 13, Lumangbayan muli sa Mayo 14, at Lalud sa Mayo 15. Susundan ito ng pamimigay sa Barangay ng Camilmil sa Mayo 21 at magaganap naman muli sa Lalud sa Mayo 22. Habang namimigay, patuloy pa rin ang pagtatanim ng mga tauhan ng Kagawaran upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa Calapan sa panahon ng CoVid-19.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.