News and Events

Magpapalay ng Balabac, nakatanggap ng tulong mula sa RFFA
Ginawang ceremonial turnover ng Rice Farmers Financial Assistance program na ginawa sa bayan ng Balabac. Kasama ng mga magsasaka sina Municipal Agriculture Officer Manuel Redison (pangalawa mula sa kaliwa) DA-MIMAROPA Regional Executive Director Antonio Gerundio (gitna) at DA-MIMAROPA OIC-Regional Technical Director for Research and Regulations Ma. Christine Inting (dulo sa kanan).

Magpapalay ng Balabac, nakatanggap ng tulong mula sa RFFA

Tinanggap ng 174 na mga magsasaka ng Balabac, Palawan ang P5,000 (bawat isa) mula sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), ika-23 ng Hunyo.

Ang RFFA ay isa sa nga programa ng Department of Agriculture (DA) na umaagapay sa mga magsasaka ng palay upang ipagpatuloy ang kanilang pagtatanim. Ang mga magsasakang nakakatanggap nito ay ang mga nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at may sinasakang dalawang (2) ektaryang pababang palayan. Nagmula ang pondo nito sa sobra sa P10 bilyong taripang nakokolekta mula sa pag-angkat ng bigas ng bansa o ang tinatawag na RCEF.

 

Kasama ang Universal Storefront Services Corporation, naiabot ng maayos sa mga magsasaka ng Balabac ang P5,000 tulong mula sa Rice Farmers Financial Assistance Program.

Sa kasalukuyan, ang bayan ng Balabac ay mayroong 370 ektarya ng palayan at umaani ng 60-80 kaban bawat ektarya, ayon sa kanilang Municipal Agriculture Officer (MAO). Ang kanilang ani ay kadalasang binebenta nila sa loob ng isla at personal na pangkonsumo.

Isa si Patricio Sonio mula sa Barangay Salang na nakatanggap nito ang nagpasalamat sa Kagawaran ng Pagsasaka sa pagpaparating sa kanila ng tulong.

“Maraming salamat po sa gobyerno kayo ay nakarating dito upang makapag-abot ng tulong sa aming mga magsasaka. Malaking tulong po ito sa aming mga farmers. Pambibili po namin ito ng mga gamot sa palay at abono,” kanyang sinabi.

Bago magsimula ang distribusyon ng P5,000 ay nagbigay muna ng mensahe si RED Antonio Gerundio sa harap ng 174 na mga magsasaka upang ipaliwanag ang Rice Farmer Financial Assistance program at iba pang proyekto ng DA para sa sektor ng agrikultura ng Balabac.

Samantala, binahagi naman ni Regional Executive Director Antonio Gerundio ang ilan pang mga programang nakalatag para sa probinsiya bilang suporta sa kanilang pagsasaka katulad ng mobile rice mill, iba pang makinarya, at inbred na binhing palay.

“…merong machinery at for seeds, ang hiningi niya (MAO) ay inbred seeds. Nag-usap na kami ng makarating ang 200 bags (ng inbred seeds). Aayusin namin yan ng makarating dito,” kanyang pagbabahagi. 

Kanya ring binanggit na ang pamamahagi ng RFFA ay hindi nagtatapos dito kundi hanggang sa taong 2024 pa. Bilang pagtatapos ng kanyang mensahe, hiniling niya sa mga magsasaka ang patuloy na pagpoprodyus ng pagkain para sa bansa.

“Hinihiling namin ang inyong pakikipagtulungan at patuloy na pagprodyus ng pagkain para sa pamilya, para sa nayon, at para sa bansa para hindi tayo magkaroon ng pagkagutom at hindi na rin tayo umasa sa ibang bansa,” kanyang sinabi.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.