News and Events

Livestock Economic Enterprise and Development Program for Goat

Livestock Economic Enterprise and Development Program for Goat

NATIONAL LIVESTOCK PROGRAM || Pinangunahan nina DA-MiMaRoPa Regional Executive Director (RED)Engr. Maria Christine C. Inting at Regional Livestock Program Focal Person Dr. Maria Teresa O. Altayo ang turnover ng proyektong Livestock Economic Enterprise and Development Program for Goat sa Lagaw para sa Uma Integrated Farm ng Palawan State University Muti-Purpose Cooperative (PSU-MPC). Ang turnover activity ay ginanap sa Lagaw sa Uma Integrated Farm na matatagpuan sa Barangay Magbabadil, Aborlan, Palawan, ika-15 ng Hunyo, 2023.

Ayon kay Dr. Altayo ito ang kauna-unahang malaking proyekto ng NLP na iginawad bilang grant sa kooperatiba sa buong rehiyon. Sa kabuuan ang goat house at 36 goat stocks ay nagkakahalaga ng P2.5 milyong piso. Sinabi nya “ito ay bilang pagtugon sa mandato ng pamahalaan na palakasin ang kooperatiba. Para sa sustainability ng proyektong ito, alinsunod sa mga patakaraan na gagawin ng samahan ay magkakaroon ng redistribution o pag transfer ng anak na guya sa mga ka miyembro ng asosasyon at sa paglipas ng panahon sa komunidad naman ang pamamahagi. Para sa kasiguruhn ng proyekto, mahalaga na maiparehistro sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang mga kambing.”

Pormal na iginawad ni RED Inting ng proyekto sa Palawan State University Multi-Purppose Cooperative sa pamamagitan ng kanilang Chairperson Dr. Erlinda Ganapin. Inaasahan na sa pamamagitan ng proyektong ito ay maisakatuparan ang pagpupursigi ng Pangulo at Kalihim ng DA na hindi lamang sa pagmamaisan o sa pagpapalayan kundi pati sa livestock ay mapataas ang produksyon upang magkaroon ng mataas na ani at kita ang mga magsasaka. Ayon pa sa kanya “ang proyektong ito ay isa sa mga hakbangin para matugunan ang suliranin sa logistics o pagtransport ng livestock sa rehiyon ng MiMaRoPa. Kaya kailangan na sa bawat probinsya ay may ma empower  o mapalakas na koopertiba para pamahalaan ang mga ganitong proyekto. Darating ang panahon na sa inyo na kami bibili ng kambing para maipamahagi sa ibang kooperatiba sa buong probinsya ng Palawan. Kaya patuloy ang aming koordinasyon sa Lokal na Pamahalaan at Lalawigan ng Palawan upang matugunan ang inyong pangangailangang pang-agrikultura sa abot ng aming kakayayahan.”

Malugod namang tinanggap ng PSU-MPC na kinatawan ni Dr. Erlinda Ganapin ang proyekto at kaakibat na responsibilidad sa pangangasiwa nito. Taos puso nyang pinasalamatan ang lahat ng mga naging bahagi at tumulong tulad ng Lokal na Pamahalaan ng Aborlan, ang Barangy Council ng Magbabadil at ang komunidad nito para maisakatuparan ang proyekto. Higit na pinasalamatan ng PSU-MPC ang DA-MiMaRoPA sa pagbibigay ng proyektong ito.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.