News and Events

Libreng pananim nakaabot na sa mahigit 800 residente ng PPC
Pamimigay ng mga punlang pananim sa tanggapan ng Palawan Research Experiment Station sa Brgy. Sta. Monica. Larawan ni Michael John Galivo, RAFIS, DA-MIMAROPA

Libreng pananim nakaabot na sa mahigit 800 residente ng PPC

Mahigit na sa 800 residente ng Puerto Princesa City (PPC) ang nakatanggap ng mga libreng punla at binhing pananim mula ng mamahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka-MIMAROPA sa pamamagitan ng Palawan Agricultural Center (PAC) at Palawan Research Experiment Station (PRES)makalipas ang isang buwan ng ito ay mailunsad. Ito ay alinsunod sa Plant, Plant, Plant Program ng Kagawaran kung saan hinihikayat ang mga tao na magtanim sa kanila-kanilang bakuran habang umiiral ang Community Quarantine (CQ).

Ang PAC ay nakapagbahagi na ng 10,000 na punla ng iba’t ibang gulay at prutas gaya ng kakaw, kasuy, kape, langka at guyabano. Umabot sa 330 na residente ng PPC ang nakatanggap ng mga punlang ito at kanila ng tinanim sa kanilang bakuran.

Mga punla at binhing pinapamigay sa PRES at PAC. (Kuha ni Milagros Cacal)

Ang PRES naman ay nakapagpamigay na ng 3,000 pakete ng binhing pananim katulad ng buto ng kamatis, talong, sitaw, okra, kalabasa at pipino. Nasa 496 na residente na ng PPC ang nakapagtanim ng mga butong nakuha rito.

Bilang pagsuporta sa adbokasiya ng Kagawaran, naglunsad ang Life Church, isang Christian Community sa lungsod, ng isang Barangay Backyard Garden Contest na kung saan nakahingi sila ng 200 pakete ng binhi mula sa PRES. Ayon sa Facebook Post ni Gng. Mila Suropia Cacal, PRES Head, kung saan pinakita niya ang mensahe ni Bb. Julie Blanco ng Life Church, 100 residente ang sumali dito at malalaman ang nanalo sa Mayo 30.

Matapos ang nasabing unang bugso ng bigayan, muli namang nakapagprodyus ang PAC ng 10,000 pananim na punla na kanilang pinamigay sa 150 residente noong Mayo 13 at may kasunod pa sa darating na Mayo 29.

Bukod naman sa mga pananim mula sa PRES at PAC, nagpadala rin ang Regional High Value Crops Development Program ng mga binhing pananim na siya namang pinamigay sa iba’t ibang munisipyo ng  Palawan.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa libreng punla at binhi sa Palawan, makipag-ugnayan lamang kay Gng. Gene Onde ng PAC sa numerong 0928-333-3594 at kay Gng. Mila Cacal ng PRES sa numerong 0919-9351-0159.

Ang Facebook Post ni Gng. Mila Cacal kung saan pinasalamat niya nsi Bb. Julie Blanco ng Life Church sa kanilang pakikipagtulungan na isulong ang backyard gardening sa lungsod.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.