Labing apat (14) na mga magsasaka ng mais ang nagtapos sa 16 na linggong Farmers Field School (FFS) sa bayan ng Narra, Palawan. Upang bigyan pugay ang kanilang pagtitiyaga at pagsusumikap sa mga pagsasanay na bingay ng Department of Agriculture (DA) Corn Program, nagkaroon ng graduation ceremony sa RBO OMA Compound sa Poblacion ng nasabing bayan, ika-14 ng Enero, 2024.
“Marami kaming natutunan, at salamat sa DA dahil kami ay napili upang makadalo sa training. Salamat din sa LGU ng Narra na kami ay naririnig sa aming mga kahilingan pagdating sa pagmamaisan,” wika ni Andres Esclavia, isa sa mga estudyante.
Nabanggit naman ni Judy Bhoy Jompilla ang kanilang gagawin matapos ang FFS. “Tayong mga naka-grduate ay may obligasiyon na ibahagi ang ating natutunan (sa ibang mga magsasaka),” kanyang sinabi.
Hindi naman pinalampas ang okasiyon ni butihing Mayor Gerandy Danao ang selebrasiyon kasama ang mga magsasaka kung saan pinahiwatig niya ang kanyang kasiyahan at pasasalamat na maisakatuparan ang pagsasanay.
“Salamat po sa inyong lahat na nag-graduate sa inyong pagtitiyaga at patuloy na pagtangkilik sa 16-week na training on Corn Production,” kanyang sinabi.
“Salamat sa region (DA) na hindi nagsasawa na tulungan ang bayan ng Narra,” kanyang dinagdag.
Ayon naman kay Provincial Agriculturist Dr. Romeo M. Cabungcal isa itong paraan upang makasabay ang sektor ng mga magmamais sa Palawan upang makasabay sa modernong panahon.
“Marami tayong teknolohiyang natutunan, kaya sana ay hindi tayo mahuli, bagkus makasabay tayo,” kanyang sinabi.
Hinikayat niya rin ang mga magmamais na palakasin ang kanilang produksiyon sa Narra upang makasuporta sa pag-abot ng kasapatan sa pagkain pati na rin sa livestock industry.
Samantala, pinangako naman ni Engr. Franz Cardano, Corn Program Asst. Regional Focal Person ang patuloy na suporta sa mga magsasaka.
“Dito lang po ang DA para sa patuloy na pagbibigay ng proyekto at nandito po kami para kayo ay gabayan at tulungan,” wika niya.
Inaasahan din na ang pagtatapos na ito ay siyang ring simula ng pagbabahagi ng mga bagong kaalaman at mga programa ng DA .
Ipinangako din ng tanggapan ni Municipal Agriculture Office sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si Cherrylyn Laab na sila ay nakaagapay din sa mga magmamais.